Sa ika-31 ng Hulyo ngayong taon ay matatapos na ang termino ni Rodolfo B. Albano, Jr. bilang chairperson ng Energy Regulatory Commission (ERC). Maingay ang mga usap-usapan na mukhang magkakaroon pa yata ng dynasty sa ERC. Si Albano mismo ay nagpahayag na bukas siyang ang papalit sa kanya ay ang manugang niyang si Atty. Mylene Garcia-Albano, asawa ng anak niyang si Rodolfo III na kasalukuyang Congressman sa Isabela at miyembro ng House Committee on Energy. Kapag nangyari ito, ito na ang simula ng dynasty sa ERC.
Napakahalaga ng ERC sa pagbibigay kasagutan sa mataas na singil sa kuryente ngayon. At kahit na sabihing ipinapatupad lamang nito kung ano ang nakasaad sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), batas sa industriya sa kuryente, ang maayos na pagpapatupad nito at may interes na kumikiling sa publiko laluna sa mahihirap ay napakahalaga sa isang chair ng ERC.
Kaya napakahalagang tingnan at mapakialaman natin kung sino ang susunod kay Albano. Marami rin ang nagkakainteres sa posisyon ng ERC chairperson dahil hindi lang electric power ang hawak ng nakaupo rito, ganun na rin ang “political power” dahil may control ang ERC sa napakahalagang bagay na nagpapatakbo sa ekonomiya at kailangan sa pang-araw-araw na buhay.
Naging chairperson si Albano noon 2004 nang palitan n’ya sa katungkulan si ERC Commissioner Ibay. Subalit, sa loob ng apat na taong panunungkulan ni Albano, kapos ang kanyang nagawa upang mapababa ang presyo ng kuryente.
Kahit na sabihin nating magaling itong manugang ni ERC chair Albano, huwag nang siya ang sumunod pang maging chairperson ng ERC. Marami pa namang magagaling rin at karapatdapat na pumalit pa kay Albano. Tama na ang political dynasty sa lokal at maging sa national na pamahalaan. Kung tutuusin, dapat na nga rin itong maputol.
Isa si Fe Barin lang noon sa mga kaunting napiling maging chairperson ng ERC na hindi pulitiko. Sa kasaysayan kasi ng ERC, kadalasang pulitiko ang napipiling maging chairperson ng ERC. Nariyan si Commissioner Sanchez na tumakbong congressman noong 2001. Bago niya ay nariyan ang notorious na si Rex Tantiongco na kiling sa interes ng mga nasa negosyo – mga oil companies, maging ng Meralco o Lopezes.
Wala pa yatang dalawang taong namalagi sa ERC noon si Barin. Sa panahon niya nadiskubre ang sobrang recoveries ng Meralco mula sa purchased power adjustment (PPA) noong 2002. Noong taon ding iyon, kasabay ng suspension ng 85-sentimo kada kilowatthour na singil sa PPA na napupunta sa Napocor, ibinawas rin sa bayarin ng mga konsyumer ang 40-sentimong over-recoveries ng Meralco para sa PPA na napupunta sa mga independent power producers (IPPs) nito.
Kaya, ang laki ng ibinaba ng presyo ng kuryente noong 2002 bilang resulta ng pagbawas sa binabayarang PPA at pagbabalik sa sobrang singil ng Meralco para sa PPA. Instrumental si Fe Barin sa malaking kabawasan sa bayarin sa kuryente ng mga Meralco customers. Sana ang susunod na ERC chair ay hindi pulitiko at interes ng publiko, laluna ng mga marginalized ang iisipin. Higit sa lahat, sana ay maging transparent ang pagpili ng susunod na ERC chair.
July 7, 2008
About Me
Monday, July 7, 2008
KABABAIHAN, BAWIIN ANG KALSADA!
Mahigit 50 non-government organizations (NGOs) sa mga barangay ng Central, Teachers Village East, Teachers Village West, Pinyahan, at Sikatuna sa Quezon City ang gumawa na ng hakbang upang mabigyang solusyun ang lumalalala at nakakaalarmang problema sa seguridad sa mga nasabing lugar. Marami na kasi ang mga kaso nang pang-iisnats ng bag ng mga kababaihan, marami ay mga nagtatrabaho sa NGOs, sa mga lugar na ito. Minsan pa nga ay dalawang ganitong krimen ang nangyayari sa isang araw, parehong kagagawan ng isnatser na naka-motorsiklo at hindi makilala ang mukha dahil sa suot na helmet.
Nakakalungkot na nakakainis na ang ganitong mga pangyayari ay nagaganap sa likod ng Quezon City Hall at ganundin malapit sa Camp Karingal.
Upang mabigyang solusyun na ang ganitong mga insidente, ang mga kababaihang nagtatrabaho sa mga NGOs, ang ilan sa kanila’y mga residente rin ng mga nasabing barangay ay nagkaroon ng dayalogo noong umaga ng Hulyo 4, 2008 sa upisina ni Quezon City Mayor Belmonte. Naroon din ang mga kinatawan ng Philippine National Police tulad ng District Director ng Quezon City Police District na si Atty. Magtanggol B. Gatdula at mga Station Commanders, mga kapitan at iba pang mga kinauukulan sa limang nabanggit na mga barangay.
Inilahad ng mga kababaihan sa dayalogo ang mga nangyaring pang-iisnats sa kanilang bag, maging ang panloloob sa kanilang mga upisina sa nasabing mga lugar. Tatlo sa mga nagbigay testimonya ay may dalawang beses nang naging biktima, minsan pa’y sa loob lamang ng isang buwan.
Talamak ang pagnanakaw sa mga lugar na ito na isang middle class community. Ang masaklap, ang mga nagtatrabaho para sa pagbabago sa lipunan at maging sa pag-ahon sa kahirapan ng ilang mga mamamayan ang naging biktima pa ng ganitong mga krimen.
Batid nating ang mga krimeng ito ay dala rin ng kahirapan. Pero kasabay sa pagbibigay katugunan sa usaping kahirapang ang pagtugon rin dapat sa kaayusan at seguridad sa ilang mga lugar. Sa bahagi ng mga nagtatrabaho para sa pagbabago, sa mga NGOs, ang mga krimeng nagawa sa kanila ay panandaliang nakaantala sa kanilang mga gawain upang isulong ang pagbabago at pagtugon sa usapin ng kahirapan sa bansa.
Ang isang magandang resulta ng dayalogong nangyari ay nagsama-sama ang lokal na pamahalaan sa siyudad at barangay, ang pulisya, mga lokal na asosasyon, mga residente, maging ang mga NGOs na nasa mga lugar na ito sa Quezon City. Nagkaisa ang lahat na magbuo ng isang Task Force upang maibalik ang katahimikan sa mga lansangan doon at maging ligtas ito lalung lalo na sa mga kababaihan. Hiling lang naman ng mga kababaihan na makapaglakad silang muli sa mga lansangan nang malaya, masaya, at panatag ang loob na sila’y ligtas sa lugar na iyon.
Hulyo 5, 2008

Monday, June 30, 2008
“Katas sa VAT: Pantawid Kuryente”
Halos magtatatlong linggo na simula nang magpamahagi ang gobyerno noong Hunyo 10 ng subsidyo para sa kuryente sa mga mahihirap sa ilalim ng programang “Katas ng VAT: Pantawid Kuryente.” Subalit gaano na nga ba kadami ang nakinabang mula sa programang ito?
Ang P500 “power subsidy” o “power aid” ay siyang tugon o solusyong naisip ng gobyerno upang maibsan diumano kahit papaano ang paghihirap ng mga pinakamahihirap na mamamayan o ang tinatawag na “poorest of the poor” sa pagbabayad ng mahal na kuryente na umaabot na sa P9 hanggang P9.50 kada kilowatthour sa Meralco areas. Sa Metro Manila, sila ang mga “lifeline consumers” o mga kumukunsumo ng 100 kilowatthour o mas mababa pa dito kada buwan.
Makukuha ng mga konsyumer ang P500 subsidyo sa itinalagang 62 sangay ng Land Bank sa Metro Manila. Makakakuha rin ng subsidyo ang iba pang nasasakop ng Meralco tulad ng Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, at Nueva Ecija.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa unang linggo pa lamang diumano ng pamamahagi nitong subsidyo ay tinatayang umabot na sa mahigit 160,000 na mga kumukunsumo ng kuryente sa Metro Manila ang nakakuha na. Ang P80.5 milyong naipamahagi na sa kanila ay wala pang limang porsyento ng kabuuang P2 bilyong nakalaan para sa programang ito. Sinasabing may 2-milyong mga lifeline consumers kasi ng Meralco ang makakatanggap ng subsidyo.
Sa kabila ng haba ng mga nakapilang mga konsyumer na kumukuha ng kanilang P500 subsidyo sa iba’t ibang sangay ng Land Bank, marami pa ring mga mahihirap na mga konsyumer ang batid nating hindi pa nakakuha o kaya ay hindi makakakuha ng subsidyo na dagdag pambili sana nila ng kanilang pagkain.
Ang siste kasi sa pagkuha ng subsidyo sa Land Bank ay dapat ipakita ng konsyumer ang kanyang electric bill noong nakaraang buwan kung saan makikita rito na ang konsumo niya ay 100 kilowatthours lamang o di kaya ay mas mababa pa dito. Higit sa lahat, dapat ay nakapangalan sa kanya ang electric bill.
Batid natin na karamihan ay hindi nakapangalan sa mga nagbabayad ng kuryente ang kanilang electric bill. Sa halip, ito ay nakapangalan sa may-ari ng tirahan o kaya sa kung sino man ang nagrehistro ng kuryente nila. Ang iba naman, ay nakapangalan sa mga kamag-anak na matatanda na, namatay o lumipat na ng tirahan.
Ganito rin ang sistema noong 2003 nang i-refund ng Meralco ang sobrang singil nito noong 1994. Maramin ang hindi makakakuha ng cash refund dahil sa sistemang tulad ng pinatutupad ngayon. Kaya ang karamihan ay nagkasya na lamang na ibawas sa kanilang bayarin sa kuryente ang refund sa kanila.
Totoong kahit kulang na kulang at panandalian lamang ang P500 subsidyo sa kuryente ay malaking bagay na rin ito sa mga naghihikahos na pamilya. Subalit, muling may palpak na naman yata dito at hindi nang lahat na mga tinatarget na mahihirap na mga konsyumer ay makikinabang o maaambunan din nitong subsidyo. Sana man lamang ay may opsyon rin silang direktang ibawas na lang sa kanilang bayarin sa kuryente ang P500 kung hindi nila makukuha ito ng cash dahil sa mga rekisitos na maaaring hindi nila magawa.
June 28, 2008

MAKATAONG PAMUMUHAY PARA SA TAGA-PAROLA COMPOUND

Sa gitna ng matinding krisis mula sa mataas na presyo ng bigas, pagkain, kuryente, laluna ng mataas na presyo ng langis na dinaranas ngayon ng mga maralitang lungsod, nariyan pa ang nakaambang pagkawala rin ng kanilang mga tahanan sanhi ng kaliwa't kanang demolisyong ipinapatupad sa ngalan kuno ng kaunlaran o development. Marami sa mga maralitang lungsod na ito ay matatagpuan sa Parola kung saan kitang kita ang paghihikahos ng mga pamilya.
Noong nakaraang linggo lamang, kahit na ang mga nakaririwasang may-ari ng mga trak sa Pier, karatig ng Parola, at mga drayber dito ay hindi na kayang balewalain na lang ang papahirap na pang-ekonomiyang sitwasyon sa bansa kung kaya naglunsad sila ng protesta sa pamamagitan ng paghambalang ng kanilang mga sasakyan sa sentro ng Maynila.
Hindi kataka-takang ang susunod na mag-aaklas ay mga residente ng Parola na tulad ng ibang mga maralitang lungsod ay hindi na makataong pamumuhay ang dinaranas ngayon.
Ayon sa National Urban Poor Coalition (NUPCO) na may mga miyembro at ginagawang adbokasya upang ma-i-angat ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga taga-Parola, dignidad na lamang diumano ang natitira sa mga naroroon. “Ang ating mga bahay ay katumbas ng ating dignidad. At ang paggiba sa ating mga bahay ay katumbas ng paggiba sa ating dignidad. Kung kaya’t hindi dapat mawala ang ating mga bahay.”
Naniniwala ang NUPCO kasama ang mga taga-Parola na ang pagkakamit ng katiyakan sa paninirahan kasabay ng mga laban nila sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin ay malaking kaginhawahan. Karapatan sa makataong ang kanilang iginigiit sa gobyerno.

Isa sa mga ipinaglalaban ng NUPCO at mga taga-parola ay ang pagpapatupad ng proklamasyon bilang 96 noong 2001 at 571 noong 2004 ni Gloria M. Arroyo maging ng kanyang Executive Order 108 na idineklarang lupang pabahay ang ilang bahagi ng Parola para sa mga naninirahan dito. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapatupad ito. Manipestasyon ito ng kawalang sinseridad at panloloko sa atin ni Gloria Arroyo na bigyan tayo ng pabahay.
Bukod sa pagpapatupad sa mga nasabing proklamasyon, iginigiit din ng grupo ang pagpapalawak sa sakop ng mga ito. Dapat diumano ay buong Parola, Binondo at Tondo, ang sakupin ng programang palupa na ating hinahangad.
Upang tiyakin naman na may pondong nakalaan para sa kanila at magagamit nila ito ay isinusulong din ng NUPCO ang pagkakaroon ng pamahalaang panglungsod taunang awtomatikong 5% alokasyon para sa palupa at pabahay para sa mga maralita upang matiyak ang badyet para dito.
Isinusulong din nila ang pagtatatag ng Local Housing Board (LHB) at pagkakaroon ng tamang representasyon rito upang ang tagumpay diumano ng pakikipaglaban para sa palupa at pabahay ay higit na magkakaroon ng katiyakan. Magkakaroon na raw kasi sila sa LHB ng kapangyarihang magdesisyon sa pondong nakalaan para sa mga mahihirap at pagtitiyak na ito’y makakarating sa kanila.
Kongkreto ang mga kahilingang ito ng NUPCO at mga taga-Parola. Maalalang ang lugar na ito ang laging tampok bisitahin ng mga tumatakbong Presidente maging ng mga bagong Presidente. Tuwing State of the Nation Address ay tampok rin ang kanilang kalagayan. Subalit sa dinami-daming presidente at SONA na ang nagdaan, wala pa ring maayos na pagbabago sa kanilang sitwasyon. Ito na ang pagkakataon ni Gloria Arroyo ang kaniyang sinasabing siya man ay may puso para sa mahirap. Simple lamang ang kailangan niyang gawin, ipatupad na ang kanyang proklamasyon noong 2001, ganundin noong tumakbo itong presidente noong 2004.
June 21, 2008
Mga drayber nag-karaban, iginiit ang pagtanggal sa VAT sa langis
Ika-12 ng Hunyo, Araw ng Kalayaan. Sa halip na magsaya sa paggunita ng araw na ito, ang bagong alyansa ng mga nasa sektor ng transportasyon – ang Alliance of Concerned Transport o ACT NOW! – ay naglunsad ng karaban ng mga trak, tricycle, at ilang mga pribadong sasakyan simula sa North Harbor hanggang Malakanyang upang iparating sa gobyerno ang sukdulang kahirapang dinaranas ng kanilang mga pamilya.
Panawagan ng ACT NOW! na pinamumunuan ni Ricky Papa na ibaba ang presyo ng langis. Isang agarang kaginhawahan diumano sa mataas na presyo ng langis na umaabot na ngayon sa P55/litro para sa diesel ang pagtanggal ng 12 porsyentong value added tax (VAT) sa langis.
Alas-8 pa lang ng umaga nang tumulak ang halos 250 trak at tricycle at ilang mga pribadong sasakyan mula pier. Naging sanhi ng matinding trapik sa Maynila noong umagang iyon ang mala-pagong na usad ng mga sasakyang lumahok sa karaban laban sa mataas na presyo ng langis ng ACT NOW!
Daing ng mga drayber, operator, mga negosyante, at mamamayan na miyembro ng ACT NOW! ang matinding kahirapang dinaranas dahil sa mahal ng mga bilihin at mababang kinikita nila.
Ayon sa isang miyembro ng ACT NOW! na si Eleazar Zorilla, presidente ng PAROLA TODA, hindi sapat ang naiuuwing P100 kada araw sa kanyang pamilya na may apat na miyembro. Sa taas diumano ng presyo ng gasolina, nagtataasan din ang presyo ng iba pang mga bilihin, hindi lang ng pagkain kundi ng mga piyesa at pagmimintina rin sa kanilang mga sasakyan. Kaya, ang naiuuwi nila ay halos pambili na lang ng bigas.
Hindi maipagkakailang ang naiuuwing pera ay kulang pa para sa isang maayos na pagkain ng pamilya ng drayber sa buong araw. Kapos na kapos ito para sa iba pang gastusin tulad ng mga gamit sa eskwelahan laluna't pasukan na naman.
Nakakalungkot na sa kabila ng matagal nang mga pahayag ng gobyerno na naghahanap rin ito ng mga solusyon upang matugunan ang krisis na kinakaharap ng mamamayan, hirap pa rin ang mga mamamayan hanggang ngayon.
Kapos ang mga solusyong naiisip sa ngayon ng gobyerno, tulad na lang ng limandaang pisong subsidyong ibinibigay sa mga konsyumer ng elektrisidad na kumukunsumo ng 100 kilowatthour pababa sa halip na tanggalin ang VAT sa kuryente.
Dahil nga sa hirap ng buhay, mahal na presyo ng mga bilihin, ang subsidyong ito ay hindi rin magagamit pandagdag pambayad sa kuryente. Ito ay mapupunta na lamang pambili ng iba pang mga pangunahing pangaingailangan ng maralitang mamamayan.
Batay sa ganitong karanasan, sana magising ang mga nasa gobyerno na hindi sapat ang solusyong iniisip upang mabigyan ng agarang kaginhawahan ang mga maralitang pamilya. Matagal nang sinisigaw ang pagtanggal sa VAT. Kung hindi kayang tanggalin ang VAT sa kuryente, sana man lamang kahit na pansamantala sa panahon ng krisis ngayon ay matanggal ang VAT sa langis.
June 14, 2008

LOPEZ AT GARCIA PARA KANINONG INTERES?
Hindi pa pala natapos sa Annual Stockholders’ Meeting ng Meralco noong Mayo 27 ang alitan sa pagitan ng mga Lopez na siyang nananatiling may kontrol sa Meralco at ng nanghahamong si Winston Garcia na presidente ng Government Service Insurance System (GSIS) .
Bagama’t nanalo ang mga Lopez na muling makuha ang kontrol sa management at pagpapatakbo ng Meralco, hindi pa rin ito nakasisiguro na magiging madulas ang takbo ng operasyon nito dahil may nakabinbin pang pagpapatupad ng cease-and-desist order ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ibinigay noong Stockholders' Meeting. Inisyatiba ito ni Garcia upang hindi maupo ang mga Lopez o mapigilan diumano ang mga “dirty tactics” nito tulad ng paggamit ng proxy votes upang upang manalo sa botohan at makuhang muli ang kontrol sa Board of Trustees ng Meralco.
Malinaw ang interes ng mga Lopez kung patuloy man itong nagnanais na mapanatili ang kontrol sa Meralco. Bilang nasa pribadong sector, interes ng pamilya ang isinusulong nito. Subalit hindi nangangahulugang ang interes nila ay nakakabuti rin sa interes ng mga konsyumer. Ang karanasan natin ang makakapagsabing hindi naging mabuti ang kalagayan ng mga konsyumer sa ilalim ng kontrol ng mga Lopez sa Meralco.
Ang nakapagtataka ay si Winston Garcia. Kaninong interes nga ba ang isinusulong nito? Bagama’t presidente siya ng Government Service Insurance System, isang pampublikong ahensya o ahensya para sa mga empleyado sa pampublikong sector – hindi naman nangangahulugang may basbas ng lahat ng empleyado ang pagpasok nito sa Meralco.
Ayon sa grupong PS-LINK, samahan ng mga empleyado sa pampublikong sector, hindi naman daw nila napag-usapan bilang mga kontributor sa GSIS na bibili ng stocks sa Meralco ang GSIS o di kaya ay papalakihin pa ang mga stocks ng GSIS sa Meralco.
Pera ng mga empleyado ng gobyerno, karamihan mga guro na mabababa ang sinasahod, ang ginagamit ni Garcia na pambili ng mga dagdag na shares upang makuha ang kontrol sa Meralco. Ang tanong, nagkaroon nga ba ng konsultasyon man lang sa mga empleyado na gagamitin pala doon ang pera nila para pambili ng shares sa Meralco?
Hindi na bago ang ganitong gawi ni Garcia. Kumbaga, dating gawi niya na ang gamitin ang pera ng GSIS sa mga investments na hindi man lamang napag-usapan o nakonsulta sa mga kontributor dito tulad na lang ng pagbili nya noon ng mga mamahaling paintings.
Dapat alalahaning ni Garcia na hindi niya sariling pera ang ginagamit sa Meralco. Kung sakali mang manalo ito sa legal na laban upang makuha sa mga Lopez ang kontrol ng Meralco, may kasiguruhan bang sa mga miyembro ng GSIS babalik ang benepisyong ito kung tumaas man ang dibidendong makukuha mula sa Meralco? Ibang usapin pa kung bababa nga ba ang presyo ng kuryente.
May 31, 2008

MAPANGLAW NA HINAHARAP NG MERALCO CUSTOMERS
Matapos ang mainit na balita tungkol sa paghaharap-harap ni Pangulong Arroyo kasama ang kanyang gabinete at ang mga Lopez at opisyal ng Meralco sa Panglao, Bohol noong Martes, Mayo 20, tila walang linaw pa ring makikita ang mga consumers kung paano mapapababa ang presyo ng kuryente.
Tila nauwi yata ang usapin sa kung paano mareresolba ang umano'y “gusot” sa pagitan ng Meralco at ng presidente ng Government Service Insurance System na si Winston Garcia. Inutusan ni Pangulong Arroyo si dating National Economic and Development Authority (NEDA) Chair at ngayo'y Secretary ng Commission on Higher Education (CHED) na si Romulo Neri na pag-aralan ang isyu at gawan ng mga panukalang aksyon ukol dito.
Ang usapin ay kung paano mapapababa ang presyo ng kuryente. Nagkataong nasa Meralco tayo, at dito rin pinakamataas ang singil sa kuryente sa Pilipinas. Subalit ang usapin sa mataas na singil ay hindi lang masasagot o maayos kung mapapalitan ng GSIS ang mga Lopez sa pagkontrol sa Meralco.
Unang-una, hindi sigurado ang mga konsyumer na interes nga nila ang dadalhin ng mga uupong kinatawan ng GSIS sa Meralco kung madadagdagan man ang silya nito sa Board ng Meralco. Hindi masyadong nagkakalayo ang shares ng Lopez sa shares ng gobyerno sa pamamagitan ng mga ahensya nito tulad ng GSIS, SSS, Land Bank, at DBP. Lamang lang ng 2 porsyento ang Lopez. Subalit sa loob ng napahabang panahon, hindi nagamit nang husto ng gobyerno ang kanyang malaking shares o pwesto sa Board ng Meralco upang itulak ang interes ng mga konsyumer o kahit man lang sa ngalan ng mga konsyumer ay kalkalin ang mga records nito noon pa.
Pangalawa, ang isang nagpapataas sa sinisingil sa atin ay ang mahal na ibinabayad para sa kuryenteng binibili ng Meralco. Ang mga pinagkukunan nito ng kuryente ay mga independent power producers (IPPs) – dalawa dito ay pag-aari ng mga Lopez --, Napocor, at wholesale electricity spot market (WESM).
Totoong mas mataas ang singil ng IPPs ng Meralco kung ikukumpara sa sinisingil ng Napocor. Subalit ang Napocor man ay may kasalanan din sa mataas na singil sa kuryente. Ganundin ang WESM at ang Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).
Maaari pang mas mababa ang sinisingil ng Napocor sa atin kung wasto at eksakto ang komputasyon nito sa dapat singilin sa atin. Noong 2004, P200 bilyon ng kabuuang utang nito ay kinarga na ng national government. Subalit tila walang pagbabago sa sinisingil nito sa atin. Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi na ito nag sumite ng adjustments para sa generation charge at exchange rate noong 2006 at baka masilip pa itong hindi nya pagpapababa ng kanyang rate? Batay sa komputasyon ng ERC, umaabot sa mahigit P10 bilyon ang dapat ibalik sa mga konsyumer.
Ang mga IPP contracts ng Napocor na ipinasa na ngayon sa PSALM ay mahal din. Kung tutuusin patuloy itong sinisingil sa atin sa pamamagitan ng GRAM at ICERA na inaprubahan ng ERC. Ang mga IPPs rin ng NPC ang ilan sa may mataas na presyo ng kuryenteng ibinebenta sa WESM.
Pangatlo, labas din sa Meralco ang pagsagot sa mataas na presyo ng kuryente nabibili sa WESM. May kinalaman ang ERC sa patuloy na pagiging mataas na singil sa WESM. Ang naging desisyon ng ERC noong nakaraang taon na mapawalang-sala ang PSALM sa pagmanipula ng presyo sa WESM noong 2006 ay nagpapatuloy lamang sa maaaring anomalya o kaduda-dudang mga nangyayari sa trading sa WESM na nagreresulta sa mataas na singil dito.
Ang pagtanggal sa VAT sa kuryente ay isang aksyong magpapababa sa presyo ng kuryente pero wala ito sa kontrol ng Meralco.
Marami pang mga dahilan kung bakit hindi lang dapat naka-sentro sa Meralco ang mga aksyong pinag-aaralan o pinag-iisipang gawin ng gobyerno upang tugunan ang mataas na singil sa kuryente. Dapat yata'y tingnan rin nito ang sarili. Sana... tunay ngang naghahangad ng pagbaba ng singil sa kuryente ang mga ginagawang aksyon ngayon ng gobyerno at hindi sa kung ano pa mang dahilan o interes.

Government takeover ng Meralco
Totoong matagal na ngang dapat naging pambansang usapin ang mataas na singil sa kuryente. Subalit ngayong mga araw na lang ito nabigyan ng espasyong halos tulad na ng naibigay sa kontrobersyal na ZTE-NBN Deal.
Sa nangyayaring pagpapalaki sa insidenteng nagsimula lang raw sa pagtanggi ng Meralco sa kahilingan ni Winston Garcia, presidente ng Government Service Insurance System (GSIS), na mabigyan ng kopya ng mga kontrata ng kumpanya sa mga independent power producers (IPPs) nito lalung-lalo na yung mga pagmamay-ari rin ng mga Lopez. Hindi ko maiwasang makapag-isip din na mukhang pinagtutulungan na ang Meralco. Ano nga ba ang tunay na motibo ng Malakanyang o mga ahensya nito ganun din ng iba pang mga politikong nakikisakay sa usaping ito?
Sa matagal nang panahong sumisigaw tayong mga konsyumer na gawan ng aksyon ng pamahalaan ang mataas na presyo ng kuryente ay ngayon lang tila kumilos nang husto ang pamahalaan at mga kasamahan nitong nasa Kongreso. Hindi rin maikakaila ang media war na nangyayari ngayon batay sa sunod-sunod na paid advertisements na nagtatanggol sa Meralco at sa mga balita sa dyaryo at brodkast na halos kuryente ang pinag-uusapan at naka-sentro sa Meralco, lalung-lalo na sa mga Lopez.
Para sa mga konsyumer, lalung lalo ang mga mahihirap, malinaw ang dahilan sa kagustuhang mapag-usapan hindi lang sa media, kundi maging sa kongreso, at iba pang ahensya ng pamahalaan, ang mataas na singil sa kuryente at mga posibleng solusyon dito. Ang nangyayari ngayong “away” ay hindi na lang sa pagitan ng GSIS president at ng mga Lopez. Umaabot na kasi sa kampi-kampihan ito at tila ang kakampi ni Garcia ay ang Malakanyang at mga kakampi rin nito. Posibleng tingnang makakabuti para sa mga konsyumer and atensyong ibinibigay ng media at ng Kongreso at iba pang pamahalaan sa usaping ito. Subalig tila may kulang sa mga nangyayari. Saan nga ba ito talaga papunta? Seryoso ba ang mga kakampi ni Garcia at Malakanyang sa paghahanap ng tunay na solusyon? Hindi kasi malayong isiping may mga pansariling interes rin ang karamihan ng mga pulitiko o Kongresistang sumasakay sa usaping ito.
Sa nangyari na lamang na walong oras na pagdinig sa Senado noong Mayo 12 tungkol sa kung bakit mataas ang presyo ng kuryente. Tila hindi handa ang ating mga Senador, Senadora, at Kongresista sa kanilang mga pagtatanong. Ano ba ang direksyon ng kanilang mga pagtatanong? Dapat sana ay makahanap ng paraan upang pababain ang presyo ng kuryente. Subalit sumentro lamang ito sa Meralco.
Kung tutuusin, hindi na kailangang madagdagan muna ang kontrol ng gobyerno sa Meralco bago makagawa ito ng aksyong maiayos ang industriya ng kuryente at mapababa ang singil sa kuryente. Bilang isang Executive Department, may kapangyarihan itong ipag-utos ang maraming bagay tulad ng maipatupad ang audit ng financial records ng Meralco ganundin ng mga kontrata nito sa kanyang mga IPPs. Matagal na rin dapat binago ng gobyerno ang mga madadaya at pabigat na kontrata nito sa mga IPPs.
PART II
Iyong sinasabi ni Congressman Luis Villafuerte na “ghost deliveries” ng mga IPPs ng Meralco ay nangyayari rin sa mga IPP ng gobyerno. Ang isang pangalan ng “ghost deliveries” ay PPA or purchased power adjustment na nakikita pa natin noon sa ating mga electric bill bago binago hitsura ng electric bill natin noong 2003. Nakikita pa natin noong halos magkapantay ang ibinabayad natin sa PPA at sa aktwal na nakonsumo natin noon.
Tinatawag na ghost deliveries o PPA kasi sinisingil tayo sa kuryenteng hindi naman na-generate at na-deliver. Ito ay dahil nakasaad ito sa kontrata sa mga IPPs (ng Meralco man o ng Napocor) na kailangang bayaran ang IPP sa kinontratang kuryente magamit man ito o hindi. “Take or pay” ang tawag dito. Hindi na kita ngayon ang PPA sa ating electric bill. Ito ay nakapaloob na sa generation charge, kung saan ang bayarin dito'y umaabot sa hindi bababa sa 50 porsyento ng kabuuang bayarin natin sa kuryente.
Sa ika-27 ng Mayo ay magkakaroon ng Stakeholders Meeting ang Meralco. At habang papalapit ang araw na ito ay asahang lalong iinit ang usapin sa Meralco at kung anu-ano pang baho o kahinaan ng Lopezes ang lalabas o mapag-uusapan.
Para sa ating mga konsyumer, habang magandang gamitin ang oportunidad na ito upang lalo pa nating igiit na ang interes natin ang dapat mangibabaw. Hindi nangangahulugang kapag mas tumaas ang shares o pagmamay-ari ng GSIS sa Meralco ay isinusulong na nito ang interes nating mga konsyumer. Huwag nating asahan ito laluna ang tagapagsalita nito ay si Winston Garcia na kwestiyonable rin ang kredibilidad at tunay na intensyon sa pagpupursige sa usaping ito.
May 17 & 19, 2008

Mga konsyumer inililigaw ng Meralco sa tunay na dahilan ng power rates increase
Sinasabi ng Meralco noong nakaraang buwan na ang pagtaas ng presyo ng pinagkukunan nito ng kuryente sa wholesale electricity spot market (WESM) ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng singil sa kuryente nitong Abril. Ganito rin ang naging paliwanag niya kahit na sa mga pagdinig ng ahensya ng pamahalaan tulad sa ginanap na consultative meeting noong ika-6 ng Mayo sa Energy Regulatory Commission.
Ang meeting ay ipinatawag ng ERC sa pakiusap ng EmPOWER Consumers – isang bagong alyansa ng mga konsyumer ng elektrisidad – upang maliwanagan ang mga konsyumer sa pagtaas sa singil sa kuryente noong Abril. Meralco ang pangunahing nagpaliwanag doon. Naroon din ang mga kinatawan ng WESM, National Power Corporation, Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM), at mga kinatawan ng National Transmission Corporation (Transco).
Malinaw ang hinihinging paliwanag ng mga konsyumer – ang ipakita sa kanila o maunawaan nila kung bakit tumaas ang singil sa kuryente. Subalit hindi ganun ka-linaw ang naging paliwanag ng Meralco sa kanila. Inikot-ikot pa nito ang paliwanag, at sa huli, ang tuon ng sisi nito ay sa WESM dahil sa mataas raw na presyo ng kuryenteng binibili dito.
Dahil hindi sapat ang ganitong paliwanag, paulit-ulit na tinanong ng mga kinatawan ng EmPOWER Consumers ang Meralco kung ano nga ba ang bahagi ng bayarin sa generation charge na nagresulta sa pagtaas nito ng 52-sentimos kada kilowatthour. Napilitang magsalita ang opisyal ng Meralco at sabihin ang iba’t ibang pinagkukunan ng kuryente ng Meralco: NPC, WESM, at mga independent power producers na may kontrata sa Meralco – Quezon Power Plant Limited (QPPL), San Lorenzo, at Sta. Rita.
Batay sa datos na nakuha ng EmPOWER Consumers sa Meralco, lumalabas na hindi lang pala ang presyo ng kuryenteng binili ng Meralco sa WESM ang tumaas, maging ang kuryenteng galing sa IPPs ay tumaas din ng may kabuuang mahigit P3 kada kilowatthour. Ang mga itinaas sa presyo kada kilowatthour: QPPL – P2.7088, Sta. Rita – 0.1090, San Lorenzo – 0.1723.
Napocor lang ang hindi nagtaas ng singil, bumaba pa nga ito ng 50-sentimos kada kilowatthour. Totoong ang may pinakamalaking pagtaas ay galing sa WESM. Umaabot ito ng P4.7466 o halos P5 kada kilowatthour. Subalit, 9.15 o wala pang 10 porsyento ng kabuuang kuryenteng ginamit ng Meralco ang nanggaling dito sa WESM samantalang 54.87 porsyento ay nanggaling sa mga IPPs ng Meralco. Kaya kahit nasa P3/kwh lang ang itinaas ng singil ng mga IPPs ng Meralco – mas mababa kumpara sa halos P5/kwh na itinaas ng presyo sa WESM – malaki pa rin ang epekto nito sa kabuuang generation charge na sinisingil sa atin ng Meralco.
Bakit tila itinatago ng Meralco ang ganitong impormasyon? Mabubunyag kasing hindi rin episyente ang plantang kinontrata nito – ang QPPL – at mas mahal kaysa Napocor ang kuryenteng nanggagaling sa mga IPPs – San Lorenzo at Sta. Rita – na pag-aari rin ng Lopezes na siyang may kontrol ngayon sa Meralco.

Labels:
EmPOWER Consumers,
ERC,
Meralco,
power rates increase,
WESM
ERC, Meralco, ipaliwanag ang pagtaas ng presyo ng kuryente
Ang laki ng itinaas na naman ng presyo ng kuryente ngayong buwan dto sa kamaynilaan at iba pang kustomer ng Meralco. Sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatthour, P150 ang itinaas sa bayarin nila sa kuryente. Dagdag pahirap ito siyempre dahil sa lumiliit na nga ang halaga ng pera dahil sa taas ng mga bilihin lalung-lalo na ng bigas.
Halos 70-sentimos kada kilowatthour ang itinaas sa presyo ng kuryente ngayong buwan. Ito ay dahil sa pagtaas ng singil sa generation, distribution, transmission, at maging sa supply. Pinakamalaking bahagi ng pagtaas ay sa generation charge. Sinasabi ng Meralco na ito’y dahil sa tumaas ang presyo ng kuryenteng binibili sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Nasa P5.94 kada kilowatthour lang diumano ang singil sa WESM noong Pebrero. Subalit noong Marso, ito’y tumaas sa P10.68 kada kilowatthour. Ang ibang pinagkukunan ng kuryente ng Meralco ay Napocor at ang mga ka-kontrata nitong independent power producers na marami dito ay pag-aari rin ng mga Lopez na siya namang may kontrol sa Meralco.
Hindi kataka-takang umalma na talaga ang mga tao ngayon. Ang EmPOWER Consumers, bagong grupo ng mga konsyumer ng kuryente ay humihingi ng paliwanag mula sa Energy Regulatory Commission at Meralco at iba pang posibleng may mga kinalaman sa pagtaas na ito na magpaliwanag sa mga konsyumer. Sa liham na ibinigay ng EmPOWER Consumers sa ERC noong Abril 23, isinaad rin nito ang kanilang pagkadismaya sa ganitong pangyayari sa kabila ng pahayag ng ERC kamakailan lamang na walang mangyayaring pagtaas sa presyo ng kuryente sa loob ng dalawang buwan. Sinabi rin ng grupo na taliwas rin ang pagtataas ng presyo ng kuryente sa pahayag ng Pangulong Arroyo noong Energy Summit noong Pebrero 5 na gagawa ito ng paraan upang maibaba ang presyo ng kuryente.
Ang nakapagtataka, sa kabila ng ilang buwan nang pagpapatakbo sa WESM at eksperiyensya nating laging mas mataas ang presyo nito kaysa Napocor, patuloy pa ring higit sa 10 porsyento ng kinakailangang kuryente ng Meralco ang kinukuha sa WESM. Ayon sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na siyang nag-uutos sa pagbabago sa istruktura ng kuryente sa bansa at siya ring nag-utos sa pagkakaroon ng spot market o ang WESM, minimum na 10 porsyento ang kailangang kunin ng mga distribution utilities mula sa WESM.
Malala ang sitwasyon ng industriya ng kuryente sa bansa. Subalit, mas malala yata ang sitwasyon nating mga konsyumer sa ilalim ng mga mapagsamantala at hindi mapagkakatiwalaang mga kumpanya ng kuryente tulad ng Meralco. Kaya, upang huwag mangyari ito ay dapat na malinaw lagi ang mga pangyayari sa mga mamamayan. Dapat ring magkaroon ng pagbabago sa EPIRA dahil sa loob ng pitong taong pagpapatupad dito, wala pa ring kaginhawaan tayong nararamdaman mula sa mataas na presyo ng kuryente.
April 26, 2008

ERC, MALAKI ANG RESPONSIBILIDAD SA MGA KONSYUMER
Ang Energy Regulatory Commission (ERC) ay hindi lang nariyan upang duminig sa mga petisyon ng mga kumpanya ng kuryente at iba pang ahensyang may kinalaman sa kuryente. Unang-una, kaya nariyan yan ay upang protektahan ang interes ng publiko sa isang batayang serbisyong nakakaapekto sa kanila nang malaki.
Ang kuryente ay napakahalaga hindi lamang sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao. Ito ay mahalaga sa ekonomiya at pag-unlad ng isang bansa. Kaya nga, sa ibang mga bansa, ang pagpapatakbo sa industriya ng kuryente ay patuloy na nasa kontrol ng kanilang estado.
Subalit, nasa kontrol man o wala ng estado ang operasyon sa industriya ng kuryente, meron talagang ahensyang itinatalaga lagi upang magbantay sa takbo ng industriya at makitang hindi napapagsamantalahan ang mga konsyumer o mga walang kontrol sa industriyang ito. Ang ahensyang ito ay ang Energy Regulatory body. Nag-iiba-iba na lang ang tawag dito sa iba't ibang bansa. Pero ang pangunahing gawain nito ay upang mag-regulate sa industriya ng kuryente.
Sa katunayan, napakalawak ng mga gawain ng ERC natin sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA). Subalit, kapos ito sa pagsulong o di kaya'y pag-protekta sa interes ng mga konsyumer. Ni hindi nga nagiging malawak ang konsultasyong isinasagawa nito sa mga konsyumer. Problema rin kasi ang kakulangan ng paliwanag o edukasyon nito sa mga konsyumer kung kaya mababa rin ang antas ng nagiging partisipasyon ng mga konsyumer sa konsultasyong isinasagawa nito.
Sa nangyaring pagtaas ng singil sa kuryente noong Abril, hindi lang sa generation charge kundi maging sa transmission, distribution, at systems loss, nararapat lang na magpaliwanag ang ERC sa mga konsyumer. Hindi na dapat nito hinihintay pa ang mga konsyumer na humingi ng paliwanag.
Sa panahon ng krisis, lalong nagiging mahalaga sa mga konsyumer ang malaman man lang, kung hindi man tuluyang mapigilan, ang anumang pagtaas sa kanilang mga bayarin, lalo na sa kuryente. Umabot ng mahigit isandaang piso, sa average, ang itinaas ng kuryente noong Abril. Sinasabing patuloy pa nga ang pagtaas hanggang Hunyo. Sa ganitong sitwasyon, mas lalong kinakailangang may inisyatiba ang ERC na magpaliwanag at kulumpunin ang iba't iba pang mga ahensya ng gobyerno at kumpanya ng kuryente na may kinalaman sa pagtaas na ito.
Hindi biro ang binabayaran ng isang pamilya ngayon sa kuryente. Umaabot sa halos 20 hanggang 25 porsyento ng gastusin nila ang napupunta sa pagbabayad lang sa kuryente. Kaya ang impormasyon o kaalaman sa anumang pagbabago ay mahalaga sa kanila,dahil dito rin posibleng magkaroon ng aksyon mula sa kanila at sa mga ahensyang at kumpanyang may kinalaman dito.

Monday, April 28, 2008
Si USec Santos ba o Biofuels Act ang problema?
Nanawagan kamakailan sa Pangulo si Senador Miguel Zubiri na palitan na si Department of Energy Undersecretary Ramon Santos bilang pinuno ng National Biofuels Board, ang pangunahing ahensyang nagpapatupad ng National Biofuels Act 2006.
Ayon kay Zubiri hindi diumano nagagampanan nang husto ni Santos ang kanyang tungkulin sa NBB. Ito’y kaugnay sa kabi-kabilang naglalabasang negatibong artikulo at komento sa biofuels kaugnay ng nangyayaring kakulangan sa pagkain. May mga pangambang ang biofuels program ay magdudulot sa paggamit ng pananim para sa langis sa halip na sa pagkain dapat at ang pagbaba o pagkabawas ng mga lupaing nagagamit dapat sa pagtatanim ng palay at mais.
Nakakapagtaka ang reaksyong ito ni Zubiri. Hindi niya na ba kayang i-depensa ang Biofuels Act at tila ibinabaling niya ngayon ang sisi kay Santos? Bilang tinaguriang “Ama ng Biofuels Act”, natural na siya ang unang tatanungin sa ganitong sitwasyon na nakikini-kinita ng mga tao ang posibleng mangyari sa tuluyang pagpapatupad ng programa sa ilalim ng Biofuels Act. Polisiya ang kinukuwestiyon dito at hindi pa ang pagpapatupad.
Ang National Biofuels Board, ay tagapatupad lamang ng Biofuels Act. Kung tutuusin, hindi pa nga gaanong umaalagwa ito dahil nasa 1% hanggang 2% pa lang ng target na mix ng biofuels sa regular na mga langis ang naipapatupad. Ibig sabihin, hindi pa ganun kalawak o kalaki ang mga lupaing natatamnan ng halamang magpoprodus ng biofuel.
Hindi makakatulong sa pagpapaliwanag ang pagbabato ng sisi sa NBB. Dapat matapang na harapin ni Zubiri at maidepensa ang Biofuels Act at siya namang nagtulak nito noon sa Kongreso. Magandang okasyon nga ang nangyayari ngayon at lalo siyang nabibigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag tungkol sa programang biofuels pati na sa anumang istratehiyang naiisip o napaplano para sa programang ito.
Ang ibaling ang sisi o pansin ng publiko kay Santos ng National Biofuels Board upang sumagot sa mga katanungan ukol sa programang biofuels ay hindi naman yata isang nararapat na aksyon ng isang Senador na tumanggap rin naman ng mga papuri sa pagkakapasa ng Biofuels Act. Hindi lang rin si Santos ang mataas na opisyal ng pamahalaan na nasa National Biofuels Board. Mas marapat pa siguro na kung may batikos man sa programang biofuels ay harapin na lang ni Zubiri at ipagtanggol. Bilang Senador, maaari rin nyang pangunahan ang pagpapatawag sa NBB sa Senado upang ma-update ang publiko sa ginagawa nito.
Ayon kay Zubiri hindi diumano nagagampanan nang husto ni Santos ang kanyang tungkulin sa NBB. Ito’y kaugnay sa kabi-kabilang naglalabasang negatibong artikulo at komento sa biofuels kaugnay ng nangyayaring kakulangan sa pagkain. May mga pangambang ang biofuels program ay magdudulot sa paggamit ng pananim para sa langis sa halip na sa pagkain dapat at ang pagbaba o pagkabawas ng mga lupaing nagagamit dapat sa pagtatanim ng palay at mais.
Nakakapagtaka ang reaksyong ito ni Zubiri. Hindi niya na ba kayang i-depensa ang Biofuels Act at tila ibinabaling niya ngayon ang sisi kay Santos? Bilang tinaguriang “Ama ng Biofuels Act”, natural na siya ang unang tatanungin sa ganitong sitwasyon na nakikini-kinita ng mga tao ang posibleng mangyari sa tuluyang pagpapatupad ng programa sa ilalim ng Biofuels Act. Polisiya ang kinukuwestiyon dito at hindi pa ang pagpapatupad.
Ang National Biofuels Board, ay tagapatupad lamang ng Biofuels Act. Kung tutuusin, hindi pa nga gaanong umaalagwa ito dahil nasa 1% hanggang 2% pa lang ng target na mix ng biofuels sa regular na mga langis ang naipapatupad. Ibig sabihin, hindi pa ganun kalawak o kalaki ang mga lupaing natatamnan ng halamang magpoprodus ng biofuel.
Hindi makakatulong sa pagpapaliwanag ang pagbabato ng sisi sa NBB. Dapat matapang na harapin ni Zubiri at maidepensa ang Biofuels Act at siya namang nagtulak nito noon sa Kongreso. Magandang okasyon nga ang nangyayari ngayon at lalo siyang nabibigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag tungkol sa programang biofuels pati na sa anumang istratehiyang naiisip o napaplano para sa programang ito.
Ang ibaling ang sisi o pansin ng publiko kay Santos ng National Biofuels Board upang sumagot sa mga katanungan ukol sa programang biofuels ay hindi naman yata isang nararapat na aksyon ng isang Senador na tumanggap rin naman ng mga papuri sa pagkakapasa ng Biofuels Act. Hindi lang rin si Santos ang mataas na opisyal ng pamahalaan na nasa National Biofuels Board. Mas marapat pa siguro na kung may batikos man sa programang biofuels ay harapin na lang ni Zubiri at ipagtanggol. Bilang Senador, maaari rin nyang pangunahan ang pagpapatawag sa NBB sa Senado upang ma-update ang publiko sa ginagawa nito.
ERC, Meralco, ipaliwanag ang pagtaas ng presyo ng kuryente
Ang laki ng itinaas na naman ng presyo ng kuryente ngayong buwan dto sa kamaynilaan at iba pang kustomer ng Meralco. Sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatthour, P150 ang itinaas sa bayarin nila sa kuryente. Dagdag pahirap ito siyempre dahil sa lumiliit na nga ang halaga ng pera dahil sa taas ng mga bilihin lalung-lalo na ng bigas.
Halos 70-sentimos kada kilowatthour ang itinaas sa presyo ng kuryente ngayong buwan. Ito ay dahil sa pagtaas ng singil sa generation, distribution, transmission, at maging sa supply. Pinakamalaking bahagi ng pagtaas ay sa generation charge. Sinasabi ng Meralco na ito’y dahil sa tumaas ang presyo ng kuryenteng binibili sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Nasa P5.94 kada kilowatthour lang diumano ang singil sa WESM noong Pebrero. Subalit noong Marso, ito’y tumaas sa P10.68 kada kilowatthour. Ang ibang pinagkukunan ng kuryente ng Meralco ay Napocor at ang mga ka-kontrata nitong independent power producers na marami dito ay pag-aari rin ng mga Lopez na siya namang may kontrol sa Meralco.
Hindi kataka-takang umalma na talaga ang mga tao ngayon. Ang EmPOWER Consumers, bagong grupo ng mga konsyumer ng kuryente ay humihingi ng paliwanag mula sa Energy Regulatory Commission at Meralco at iba pang posibleng may mga kinalaman sa pagtaas na ito na magpaliwanag sa mga konsyumer. Sa liham na ibinigay ng EmPOWER Consumers sa ERC noong Abril 23, isinaad rin nito ang kanilang pagkadismaya sa ganitong pangyayari sa kabila ng pahayag ng ERC kamakailan lamang na walang mangyayaring pagtaas sa presyo ng kuryente sa loob ng dalawang buwan. Sinabi rin ng grupo na taliwas rin ang pagtataas ng presyo ng kuryente sa pahayag ng Pangulong Arroyo noong Energy Summit noong Pebrero 5 na gagawa ito ng paraan upang maibaba ang presyo ng kuryente.
Ang nakapagtataka, sa kabila ng ilang buwan nang pagpapatakbo sa WESM at eksperiyensya nating laging mas mataas ang presyo nito kaysa Napocor, patuloy pa ring higit sa 10 porsyento ng kinakailangang kuryente ng Meralco ang kinukuha sa WESM. Ayon sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na siyang nag-uutos sa pagbabago sa istruktura ng kuryente sa bansa at siya ring nag-utos sa pagkakaroon ng spot market o ang WESM, minimum na 10 porsyento ang kailangang kunin ng mga distribution utilities mula sa WESM.
Malala ang sitwasyon ng industriya ng kuryente sa bansa. Subalit, mas malala yata ang sitwasyon nating mga konsyumer sa ilalim ng mga mapagsamantala at hindi mapagkakatiwalaang mga kumpanya ng kuryente tulad ng Meralco. Kaya, upang huwag mangyari ito ay dapat na malinaw lagi ang mga pangyayari sa mga mamamayan. Dapat ring magkaroon ng pagbabago sa EPIRA dahil sa loob ng pitong taong pagpapatupad dito, wala pa ring kaginhawaan tayong nararamdaman mula sa mataas na presyo ng kuryente.
Halos 70-sentimos kada kilowatthour ang itinaas sa presyo ng kuryente ngayong buwan. Ito ay dahil sa pagtaas ng singil sa generation, distribution, transmission, at maging sa supply. Pinakamalaking bahagi ng pagtaas ay sa generation charge. Sinasabi ng Meralco na ito’y dahil sa tumaas ang presyo ng kuryenteng binibili sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Nasa P5.94 kada kilowatthour lang diumano ang singil sa WESM noong Pebrero. Subalit noong Marso, ito’y tumaas sa P10.68 kada kilowatthour. Ang ibang pinagkukunan ng kuryente ng Meralco ay Napocor at ang mga ka-kontrata nitong independent power producers na marami dito ay pag-aari rin ng mga Lopez na siya namang may kontrol sa Meralco.
Hindi kataka-takang umalma na talaga ang mga tao ngayon. Ang EmPOWER Consumers, bagong grupo ng mga konsyumer ng kuryente ay humihingi ng paliwanag mula sa Energy Regulatory Commission at Meralco at iba pang posibleng may mga kinalaman sa pagtaas na ito na magpaliwanag sa mga konsyumer. Sa liham na ibinigay ng EmPOWER Consumers sa ERC noong Abril 23, isinaad rin nito ang kanilang pagkadismaya sa ganitong pangyayari sa kabila ng pahayag ng ERC kamakailan lamang na walang mangyayaring pagtaas sa presyo ng kuryente sa loob ng dalawang buwan. Sinabi rin ng grupo na taliwas rin ang pagtataas ng presyo ng kuryente sa pahayag ng Pangulong Arroyo noong Energy Summit noong Pebrero 5 na gagawa ito ng paraan upang maibaba ang presyo ng kuryente.
Ang nakapagtataka, sa kabila ng ilang buwan nang pagpapatakbo sa WESM at eksperiyensya nating laging mas mataas ang presyo nito kaysa Napocor, patuloy pa ring higit sa 10 porsyento ng kinakailangang kuryente ng Meralco ang kinukuha sa WESM. Ayon sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na siyang nag-uutos sa pagbabago sa istruktura ng kuryente sa bansa at siya ring nag-utos sa pagkakaroon ng spot market o ang WESM, minimum na 10 porsyento ang kailangang kunin ng mga distribution utilities mula sa WESM.
Malala ang sitwasyon ng industriya ng kuryente sa bansa. Subalit, mas malala yata ang sitwasyon nating mga konsyumer sa ilalim ng mga mapagsamantala at hindi mapagkakatiwalaang mga kumpanya ng kuryente tulad ng Meralco. Kaya, upang huwag mangyari ito ay dapat na malinaw lagi ang mga pangyayari sa mga mamamayan. Dapat ring magkaroon ng pagbabago sa EPIRA dahil sa loob ng pitong taong pagpapatupad dito, wala pa ring kaginhawaan tayong nararamdaman mula sa mataas na presyo ng kuryente.
Monday, April 21, 2008
Solusyon ng Kongreso sa krisis ngayon: BAND-AID!
May tatlong buwan nang patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas. Kaya naman ang presyo ng ibang mga produkto na gumagamit ng bigas o di kaya’y substitute nito tulad ng pandesal at iba pang tinapay at posibleng pati instant noodles ay nagtataasan na rin.
Ayon sa mga maralita, hindi pa man daw tumataas ang presyo ng bigas ay instant noodles na ang kanilang pangunahing pagkain. Hinahaluan na lang ng konting bigas sa pagluto ng noodles
upang kahit papaano ay may kanin na rin sila. Sa sitwasyon ngayon na P5 hanggang halos P10 ang itinaas sa presyo ng bigas kada kilo, malamang baka wala na ring bigas na maihalo sa noodles ang mga mahihirap na pamilya.
Kung dati mga mahihirap ang kadalasang kumakain ng sardinas, ngayon pati nasa middle class ay napapadalas na rin ang pagkain nito. Ang tinatawag na poorest of the poor o mga pinakamahihirap ay hindi na rin makayang bumili ng sardinas ngayong mga araw.
Ang nakakapagpalala pa sa sitwasyon, tumataas ang presyo ng pagkain, subalit ang kinikita ng mamamayan ay hindi tumataas o nakasasapat sa pagmahal ng pagkain at ng iba pang mga pangunahing pangangailangan.
Tama lang na ang ganitong sitwasyon ng kahirapan o krisis ay bigyan ng masusing pansin ng Kongreso. Kamakailan lamang ay nagpahayag si House Speaker Prospero Nograles na bibigyang prayoridad diumano ng Kongreso ang pagpapasa sa panukalang batas na nagpapalawak ng sakop (coverage) ng personal tax exemption na ibinibigay sa mga empleyado sa pribado at pampublikong sektor upang mabawasan ang kahirapang dulot ng tumataas na presyo ng pagkain, pangunahing bilihin at mga serbisyo. Dagdag pa dito, sinabi rin ni Nograles na pag-aaralan nya rin daw ng mabuti ang panukalang batas na nagsusulong ng pansamantalang pagtanggal ng VAT sa noodles at sardinas.
Agarang kaginhawahan sa mamamayan ang ninanais ng Kongreso upang kahit papaano ay mabigyan ng pansamantalang lunas ang kahirapan o krisis sa pagkain. Subalit, kung maipapasa nga sa susunod na linggo ang panukalang batas patungkol sa tax exemption, hindi naman magbebenepisyo dito ang maraming Pilipino. Ito’y dahil marami sa mga naghihirap na Pilipino ay hindi mga regular na manggagawang kinukolektahan ng personal na buwis (income tax). Marami ang nasa impormal na sektor – pagtitinda, pamamasada, construction worker, kargador, at iba pa – ito ang kadalasang trabaho ng mga mahihirap. Maipasa man ang batas sa tax exemption, mananatili pa ring mahirap itong mga nasa impormal na sektor at kapos pa rin ang kanilang kakayahang makabili ng matinong pagkain o magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Noodles at sardinas lang din ang pinag-iisipang pansamantalang huwag munang patawan ng VAT. Sa ilan, kung hindi man karamihan ng mga mahihirap, luho na rin daw na maituturing ngayon ang sardinas ayon sa ilang mga lider ng maralitang lungsod. Kaya, tanggalin man ang VAT sa sardinas, wala rin ito masyadong epekto sa mga mahihirap dahil hindi na rin naman sila gaanong bumibili nito.
Bagamat may kaunting kaginhawahang maidudulot ang mga solusyong naiisip ng Kongreso, hindi pa rin nito binibigyang lunas talaga ang sakit na nagreresulta sa krisis sa pagkain at patuloy na kahirapan. Para lang tayong binibigyan ng band-aid para sa malalim na sugat pero nariyan pa rin ang sakit at malalang karamdaman. Kailangan ng ating bayan, bukod sa pansamantalang lunas, ay mabigyan talaga ng pangmatagalan kung hind man permanenteng lunas ang kahirapan/krisis na kinakaharap sa bansa.

Panggigipit sa mga magsasaka sa Paliko, Banilad, at Carmen
Hindi lang angkop na gamit sa lupain ang dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno bilang tugon sa lumalalang problema sa pagkain maging ang panggigipit din ng mga panginoong may-lupa sa mga magsasaka.
Sa kabila ng paggawad ng pamahalaan ng lupa sa ilang magsasaka sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Law (CARP), may problema pa ring kinakaharap ang ating mga magsasaka ngayon. Patuloy pa rin silang naghihirap at ginigipit ng mga may kapangyarihan. Isang halimbawa rito ay ang mga magsasaka ng Hacienda Paliko, Banilad, at Carmen sa Batangas na binubuo ng sampung barangay at tubo ang pangunahing pananim.
Dating nasasakop ng Hacienda Roxas ang mga nabanggit na lupaing may 2,930 hektarya. Nabigyan ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) noong 1993 ang mga magsasaka dito sa ilalim ng mandato ng CARP. Sinasaka ngayon ng mga miyembro ng Damayan ng mga Manggagawa, Magsasaka at Mangingisda sa Bansa (DAMBA) at ng Katipunan ng Magsasaka sa Hacienda Roxas, Inc. (KAMAHARI) ang nasabing lupain na may 80 toneladang produksyon ng tubo kada hektarya.
Ayon sa National Chairman ng DAMBA na si Roy Mahinay Sr, hindi diumano matanggap ng mga may-ari ng Hacienda Roxas ang pagbibigay ng 2,930 hektaryang lupain sa mga magsasaka kung kaya ipinaglaban ito ng mga Roxas sa Department of Agrarian Reform noong 1993. Umabot sa Korte Suprema ang kaso subalit natalo ito noong 1999. Nagdesisyon ang Korte Suprema na hindi maaalis, patuloy na magbubungkal, at hindi kakanselahin ang CLOA sa mga magsasaka. Humabol pa ng motion for reconsideration ang mga Roxas subalit natalo rin noong Pebrero 2000. Bandang Mayo 2000 ay muli diumanong nagsumite ng kaso para ma-exempt sa CARP ang mga ipinaglalabang lupain. Nakabinbin pa rin hanggang ngayon ang kaso sa Korte Suprema.
Tila desperado na ang mga Roxas dahil sa matagal nang panahon ay hindi pa rin nila nababawi ang kanilang mga lupaing iginawad na ng gobyerno sa mga magsasaka. Ayon kay Mahinay, nanggigipit na diumano ngayon mga Roxas sa pamamagitan ng kanilang pasilidad sa pag-iilo (milling). Simula diumano noong Oktubre 2007, sinabihan na ng Hacienda Roxas ang mga CARP farmer-beneficiaries na hindi na makakapagpa-ilo ng tubo sa Central Azucarera de Don Pedro kung hindi ipapangalan sa ilalim ng Roxas ang kanilang pagpapa-ilo doon. Bukod dito, may management fee na P5,500 kada 5,000 toneladang tubo ang kailangang bayaran ng mga magsasaka. Kailangan ding magbayad ng P200 kada tonelada para sa trucking services, P200 kada tonelada para sa pagpuputol ng mga tubo at pagkarga nito, P200 kada tonelada para sa driver kada byahe papuntang milling, at ang pulot na umaabot 5,000 kilo at naibebenta dapat nila ng P5 kada kilo ay hindi na makukuha ng mga magsasaka.
Hindi pumayag ang mga magsasaka sa kondisyong ito dahil sa wala na silang kikitain dito. Dagdag pa ni Mahinay, baka gamiting batayan ng mga Roxas sa kaso nila sa Korte Suprema ang pagpapalagay ng mga magsasaka sa pangalan ng mga Roxas sa ipapa-ilo nilang mga tubo. Sa halip, ang ginagawa ngayon ng mga taga-DAMBA at KAMAHARI ay ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan sa lupain at ma-ilo ang kanilang mga produkto. Simula Enero nitong taon ay sunod-sunod na aksyon na ang kanilang ginawa. Ngayong lunes ay magkakampo sila sa harap ng Azucarera de Don Pedro.
Kapag hindi na-ilo ang mga tubo, mabubulok ang mga ito at lalong walang kikitain at makakain ang mga magsasaka. Maliwanag na kapit sa patalim ang gustong mangyari ng mga Roxas sa mga magsasaka dahil sila ang may pasilidad sa pag-iilo sa lugar. Ginagamit nila ang kanilang pasilidad upang gipitin ang mga magsasaka at mapasunod sa kagustuhan nilang mabawing muli ang mga lupaing naigawad na sa mga magsasaka.
Upang maiwasan sana ang ganitong panggigipit, kailangan ng aksyon rito ng gobyerno. Sana hindi lang lupain ang maibigay sa mga magsasaka, maging mga karampatang pasilidad at pagsasanay upang gamitin at pamahalaan ito ay maibigay rin sa kanila upang hindi sila nagigipit ng mga taong mayroon ng mga pangangailangan ng mga magsasaka sa pagtatanim, pag-ani, at pagproseso ng kanilang produkto. Malaking tulong ito sa mga magsasaka, malaking tulong rin ito sa bansa dahil masisiguro natin ang produksyon ng pagkain natin.

Sunday, April 6, 2008
Problema sa lupa, problema sa bigas
Sa mahigit isang linggong nasa headline ng mga pahayagan ang kakulangan ng bigas sa bansa, maliwanag na ang Comprehensive Agararian Reform Program (CARP) ay hindi naging kumprehensibo at nakatugon sa pangangailangan ng mga magsasaka na magreresulta din dapat sa mas saganang produksyon ng pagkain para sa bansa.
Bilang isang bansang agrikultural, dapat sana ay may kasiguruhan tayo sa suplay ng pagkain (food security). Subalit ang ating gobyerno ay importasyon ng bigas ang pokus ng kanyang programa sa pagkain partikular sa bigas.
Ano nga ba ang ating mga naging kakulangan at tayo ay humantong sa kasalukuyang sitwasyon? Maliwanag na ang ating mga pambansang polisiya at mga programa ay lihis sa pangangailangan ng ating bansa ganundin ng mga magsasaka.
May dalawang dekada nang nasa ilalim tayo ng CARP o Repormang Agraryo (bukod pa ang land reform ni dating Pangulong Marcos). Subalit hanggang ngayon ay napakarami pang hindi naipapamahaging lupa. Ang conversion at exemption ng mga lupang ang malaking bahagi ay palayan ay ilan lamang sa mga kadahilanan ng pagbagal at pagkabigo ng Repormang Agraryo na masasabing may malaking kontribusyon sa kasalukuyang krisis sa bigas.
Maraming lupang angkop na palayan katulad ng malapit sa Laguna de Bay na minimal ang problema sa irigasyon subalit ngayon ay mga residensyal na. Hindi rin naging tama ang exemption sa pagpapamahagi ng maraming lupa. Ginawa itong lusot ng maraming may-ari ng malalawak na lupain upang hindi maisama sa CARP ang kanilang lupa. Hindi tuloy lubusang naisakatuparan ang intenyon ng batas at programa na maging higit na kapakipakinabang ang mga lupa sa pamamagitan ng pagmamay-ari ng mga magsasakang siya mismong nagbubukangkal ng lupa.
Malaking bahagi rin naman ang mga naipamahagi subalit hindi na-maximize ang produksyon daahil sa kakulangan ng mga subsidyo, maayos na programa at imprastrakturang kaakibat ng pagsasaka. Malaking bahagi ang hanggang ngayon ay wala o hindi sapat ang irigasyon. Hindi rin nakatugon ang pamahalaan sa kaukulang tulong pinansya at programa upang makaagapay ang mga magsasaka sa pagtaas ng presyo ng pestidyo, fertilizer at iba pang kinakailangan sa pagsasaka.
Kailanman ay hindi natin matutugunan ang kasalukuyan at mga darating pang krisis sa pagkain kung hindi natin mabibigyan ng tulong ang ating mga magsasaka. Ang seguridad sa pagkain ay katumbas ng seguridad ng mga magsasaka.

Bakit may Problema sa Bigas
Sinabi kamakailan ni Dr. Ted Mendoza ng UP Los Baños na aabot daw sa P60 kada kilo ang presyo ng bigas pagdating ng Hulyo. Ito diumano ay dahil sa tataas ang halaga ng inaangkat na bigas mula sa Vietnam at Thailand resulta ng pagtaas ng demand dito mula sa Middle East at Africa. Tumaas ang presyo sa Vietnam at Thailand ng 25 porsyento mula sa US$500 kada metriko tonelada noong nakaraang buwan ayon sa Department of Agriculture.
Magkakakrisis nga talaga kapag nangyari ang ganyang pagtaas. Pangunahing pagkain kasi nating mga Pinoy ang kanin.Subalit nakakapagtakang kinakailangan pa nating umangkat, gayong ayon sa Department of Agriculture ay may 16.24 milyon metrikong tonelada ng bigas ang naging produksyon sa bansa noong nakaraang taon at inaasahan ngayong taon ay aabot ito sa 17.3 milyon metriko tonelada. Samantalang ang konsumo ng bansa sa bigas ay umaabot lamang ng 11.9 milyon metriko tonelada kada taon. Kalakhan daw nitong konsumo sa bigas ay mula sa bigas dito sa Pilipinas.
Kung tama ang mga datos ng Department of Agriculture na nagpapakitang mas malaki ang produksyon ng bigas sa bansa kumpara sa kabuuang konsumo dito, bakit kinakailangang umangkat pa tayo sa ibang bansa? Dahil ba mas mura ang bigas galing sa Vietnam at Thailand?
Kamakailan lamang ay inanunsyo ni Pangulong Gloria Arroyo na maglalabas siya ng Executive Order na nagpapahintulot sa pagbibigay ng P5 bilyon bilang subsidyo sa mga magsasaka at upang masiguro ang patuloy na supply ng bigas. Ayon ito sa rekomendasyon o plano ng Department of Agriculture. Bahagi rin ng plano upang solusyunan ang problema sa bigas ay ang pagtatanim ng palay sa karagdagang 600,000 hektarya sa panahon ng tag-ulan sa 10 pinakamahihirap na probinsya sa bansa at 500,000 hektarya sa ibang mga probinsya.
Marami ang duda sa kahihinatnan ng solusyong iniisip ng gobyerno. Isa na rito ang Task Force Food Sovereignty, isang grupo ng mga magsasaka, NGOs, at iba pang civil society organizations. Ayon dito, napakaliit diumano ng P5 bilyong subsidyo kung ikukumpara sa kinakailangang sapat na halaga ng palay sa farmgate na maibigay ng gobyerno sa mga magsasaka. Ayon sa pinakahuling anunsyo, aabot diumano ito sa P17 kada kilo. Baka raw matulad din sa mga naunang karanasan natin sa pagbibigay ng subsidyo na mauwi na mapunta na lang sa bulsa ng ilang opisyal at mga mangangalakal ang subsidyo.
Dagdag pa ng TFFS kahit na ipalagay na ang P5 bilyon ay mapunta sa irigasyon at subsidyo sa mga kinakailangan sa pagtatanim, napakaliit pa rin diumano ng halagang ito kung ikukumpara sa halagang aabutin sa pagpapagawa at pagpapabuti ng mga kasalukuyang irigasyon. Kung bibili ng palay sa mga magsasaka dito sa halagang P17 kada kilo, gagastos ang gobyerno ng P11.9 bilyon upang i-absorb ang hindi bababa sa 10 porsyento ng produksyon sa Abril at Mayo.
Ang P5 bilyon diumano ay hindi talaga sasapat upang masagot ang problema sa bigas. Dagdag pa dito, mukhang hindi naman ang pagbibigay subsidyo sa halaga ng bili ng palay sa mga magsasaka ang prayoridad ng gobyerno. Sa katunayan, ay mag-aangkat pa uli ito ng 2.2 milyong metriko tonelada na nagkakahalaga ng P69 bilyon.
Nakakalungkot isiping bagamat malawak ang mga lupaing agrikultural sa Pilipinas ay kinakapos tayo ng supply ng bigas sa bansa. marami naman dito ay ibang pananim ang nakatanim o di kaya’y ginawang eco-tourism ang lugar o pinatayuan ng mga subdivision, malls o iba pang pang-industriyal at komersyal na mga gusali. Ilan ito sa mga dahilan sa mababang produksyon ng bigas sa bansa. Dapat marahil ay hindi lang subsidyo ang tinitingnang solusyun ng gobyerno. Dapat ring tingnang mabuti ang paggamit sa mga lupain at lapatan ng karampatang aksyon ito.

Tuesday, April 1, 2008
Kapag itinago ang katotohanan
May kasabihan nga na “ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo” (the truth will set you free). Kaya kung pipigilan ang paglabas ng katotohanan, para na ring sinikil ang kalayaan ng mamamayan at sinagkaan din ang karapatan nilang malaman ang katotohanan. Ganito ang magiging epekto ng ginawang desisyon ng Korte Suprema na payagan si Commission on Higher Education Secretary Romulo Neri na gamitin ang “executive privilege” upang huwag sagutin ang mga tanong sa imbestigasyon sa Senado ukol sa ma-anomalyang ZTE-NBN deal.
Tatlong mahahalagang katanungan ang iniiwasang sagutin ni Secretary Neri. Ito ay: 1) kung ang Presidente (Gloria Arroyo) ay nag-follow-up kay Neri tungkol sa proyektong NBN-ZTE; 2) kung si Secretary Neri ba ay diniktahan ng Presidente na unahin o i-prayoridad ang NBN-ZTE project; at 3) kung sinabihan ba si Neri ng Presidente na ituloy pa rin ang proyekto pagkatapos sabihan ito ni Neri tungkol sa suhol para sa proyekto.
Kung masasagot ang mga katanungang ito, malalantad sa publiko kung may kinalaman nga ba o wala ang Presidente sa pagkaka-apruba ng proyektong ZTE-NBN sa kabila nang mga kwestyunableng prosesong pinagdaanan at napakataas na halaga nito. Ngunit, dahil ang “katotohanan” rin ang posibleng magpapakulong sa kung sinuman ang maysala, kaya marahil ayaw sagutin ang mga katanungang nabanggit. Posible kasing mabunyag ang isang hindi nararapat na gawain ng isang opisyal ng gobyerno lalung-lalo na ng isang Presidente.
Sa isang tinatawag na demokratikong gobyerno tulad dapat ng gobyerno natin, may “check and balance” na sistema upang maiwasan ang pagmamalabis ng isang sangay (branch) ng gobyerno. Kaya may tatlong sangay tayo ng gobyerno – ehekutibo (Presidente at buong Gabinete), lehislatura (Kongreso), at judiciary (Korte Suprema) – na ang bawat isa ay independent sa ibang mga sangay. May sarili rin itong mga kapangyarihan na ang isang layunin dapat ay upang huwag magkaroon ng absolute power ang isa laban sa isa. Mas ang layunin nito ay upang makita at maiwasto ang mga kamalian o kahinaan ng sistema, maging ang gawain ng isang sangay kabilang ang mga opisyal at empleyado nito.
Ang anumang dapat na pagmamalabis ng Ehekutibo ay makikita, maiwawasto, at kung may mga nagkamali ay may karampatang aksyon dito ang Kongreso sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas. Subalit ang paggawa ng batas o isang aksyon ng Kongreso ay nangangailangan ng masusing pag-aaral. At bahagi ng pag-aaral ang mga imbestigasyon. Ang mga ito ang siyang magiging batayan sa anumang aksyon na gagawin nito.
Sa ginawang desisyon ng Korte Suprema na panig kay Secretary Neri na huwag sagutin ang mga tanong ng Senado ukol sa ZTE-NBN deal sa pamamagitan ng “executive privilege” nito ay hindi lang magpapahina o nagbabale-wala sa kapangyarihan ng Kongresong mag-imbestiga at gumawa ng mga resolusyon o batas. Mistulang tinapakan o hindi na rin nito kinilala ang karapatan ng publiko sa mga impormasyon ukol sa gawain ng gobyerno. Nawala ang “check and balance,” ganundin ang transparency at accountability ng mga gumawa ng hindi ayon sa batas..
Mahirap yatang maunawaan na ang Korte Suprema na siya sanang higit na nakaka-unawa sa batas, gobyerno, at karapatan ng mga mamamayan ay gagawa ng ganitong aksyon. Ito dapat ang sangay ng gobyerno na “incorruptible” o hindi papayagang masali sa korupsyon. Sana nga walang hindi kanais-nais na nangyari na siyang nagtulak sa kanila na pumanig kay Sec. Neri. Sana nga, talagang kulang lang ang mga paliwanag o ebidensya ng panig ng mga gustong malaman ang katotohan kung kaya naging ganun ang desisyon ng Korte Suprema.
Subalit, marami pa rin ang umaasang mababago ang kanilang desisyon. Sana lang, malinawan ang isip, puso, at konsensya ng ating mga mahistrado para sa kapakanan ng nakararaming Pilipino. Para sa atin ring mamamayan, hindi lang sana pagbabantay sa mga pangyayari ang gawin. Higit sa lahat, bantayan natin ang ating mga karapatang huwag tapakan o masalaula.

Philippines Development Forum, solusyunan ang mga maanomalyang “development projects”
Sa dami ng mga maanomalyang proyekto na pinasok ng gobyerno, isang seryosong atensyon at aksyon ukol dito ang kinakailangan nang magawa sa lalong madaling panahon.
Sa Marso 26 -27, 2008 ay idadaos ang Philippines Development Forum (PDF) sa Clark, Pampanga. Ang Forum na ito ay isang mekanismo diumano ng gobyerno para maidaos ang mga malamang policy dialogue sa mga stakeholders sa development agenda sa bansa. Ibig sabihin, lahat dapat ay kabilang dito, lalung lalo na ang mamamayan, hindi lang ang gobyerno, negosyante, at mga bangko. Ayon sa gobyerno, ang PDF rin daw ay magsisilbing proseso para sa pagbuo ng pagkakaisa o consensus at pagkamit ng mga commitments mula sa iba’t ibang stakeholders para sa mga nilalaman ng reform agenda ng gobyerno na dapat kritikal na aksyunan.
Hindi na kailangang tumanaw sa malayo ng mga lalahok sa nasabing forum upang alamin at gawan ng aksyon ang sinasabing reform agenda ng gobyerno. Sa mismong Clark, Pampanga, isang malaking kwestiyunableng proyekto ang mailalagay dito. Tinatayang aabot ng 80.2 kilometrong railroad project ang sinisimulan na ngayon ng North Luzon Railway Corporation (NLRC). Mula Caloocan City hanggang Clark, Pampanga ang nasabing proyekto na rehabilitasyon ng lumang linya ng Philippine National Railway sa norte. Sinasabing ang proyektong ito raw ay maghahatid ng kaunlaran sa mga lugar na dadaanan, lalung lalo na sa Pampanga.
Subalit, ang sinasabing kaunlaran ay may kapalit na pagsira sa buhay ng mga masasagasaan ng proyektong ito. Ayon mismo kay NLRC president Arsenio Bartolome III, halos 100 porsyento nang nailikas ang mga residente sa kahabaan ng 32.3 kilometrong lugar na hagip ng Phase I ng proyekto. Umaabot sa 40,000 pamilya ang pinag-uusapan dito. Subalit, ang gastos sa nasabing pagwawalis, relokasyon, at resettlement ng mga pamilyang nakatira sa lugar ay hindi pa pala kasama sa $503- million na halaga ng proyekto.
Bukod sa mga buhay na masisira nitong proyekto, may hatid ring malaking problema ito sa gobyerno at sa ating lahat. Mas mataas ang halaga ng utang ng gobyerno mula uli sa Export Import Bank of China (Eximbank of China) para sa Northrail Project kung ikukumpara sa ZTE-NBN project. $503-million ang halaga ng utang o loan para sa Northrail na pinirmahan noong 2006, samantalang $329-million ang ZTE. Sa katunayan, sinabi ni Sen. Juan Ponce Enrile sa kanyang privilege speech sa Senado noong 2005na overpriced daw ang Northrail project.
Hindi lang kwestiyonable ang proyekto dahil sa malaking utang na kaakibat nito. Kwestiyonable rin ang prosesong pinagdaanan nito
Maraming pagkakatulad sa maanomalyang ZTE-NBN deal itong Northrail project. Isa ring Executive Agreement ito ng gobyernong Pilipinas at ng gobyernong Tsina. Nalabag sa kontrata para sa Northrail project ang Republic Act 9184 ukol sa public bidding. Ayon sa University of the Philippines Law Center na gumawa ng pag-aaral sa kontrata sa pagitan ng NLRC at CNMEC, hindi diumano ito nagkaroon ng competitive bidding. Hindi rin daw ito maituturing na Executive Agreement. Maituturing na void o walang bisa diumano ang kontrata dahil hindi nito sinunod ang Government Auditing Code at ang Administrative Code of 1987 na nagsasabing dapat na suportado ng sertipiko na may alokasyon ang gobyerno mula sa Monetary Board ng Pilipinas para sa nasabing proyekto. Wala ang sertipikong ito sa nasabing kontrata.
“Done deal” na ang kontrata para sa CNMEC sa ilalim ng proyektong ito, ayon kay Sen. Enrile. Tulad sa ZTE-NBN project, hindi magpapautang ang Eximbank ng Tsina kung hindi kumpanyang Tsina rin ang makakakuha ng kontrata para sa supplies at engineering sa proyekto. Ayon kay Atty. Harry Roque, abogado ng mga mamamayang na-demolish dahil sa proyektong ito, mukha raw supply-driven ang proyekto, pabor sa Tsina, dahil sa naging kondisyon nga sa pag-apruba sa loan na ang CNMEC na pag-aari ng gobyernong Tsina ang gagawa sa proyekto.
Ilan ang mga iregularidad na nabanggit sa proyekto sa mga dahilan ng mga mamamayang tinanggalan ng kanilang tirahan at itinapon sa lugar na walang katiyakan sa maayos na serbisyo at hanapbuhay upang igiit na itigil ang maanomalyang proyekto gayundin ang pag-demolish sa kanila.
Matinding usapin lagi kapag buhay na ng mamamayan ang nalalagay sa alanganin, Sa bawat proyektong pangkaunlaran, dapat na isinasa-alang-alang rin ang mga buhay na masisira. Ang transparency sa mga transaction ay dapat tiyakin ganundin ang partisipasyon ng mamamayan, ke-mahirap o mayaman, sa prosesong pangkaunlaran dahil sila man ay partner din sa kaunlaran. Marapat na bigyan ito ng masusing pansin sa anumang reform agenda na pinag-uusapan. Higit sa lahat, dapat magkaroon o pagtibayin ang batas na nag-uutos na papanagutin ang mga opisyal ng gobyerno na nakagawa o sangkot sa anumang katiwalian.
Democratic participation, transparency, at accountability. Ang mga ito ay hindi dapat nawawala sa mga anumang gawain ng gobyerno.
Related Link on North Rail project:
http://www.newsbreak.com.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=4216&Itemid=88889064

Kailangan ng Transparency at Akses sa Impormasyon
Ang akses sa impormasyon ay karapatan ng mamamayan laluna't ang mga impormasyong ito ay makakaapekto sa kanila. Ito ay isang tanda rin ng pagkakaroon ng tunay na demokrasya sa isang bansa. Ayon nga sa panukalang House Bill 2123 o “Freedom of Information Act”, batas upang tiyakin ang akses ng publiko sa mga opisyal na rekord, dokumento, at iba pang mga impormasyon na may kinalaman sa publiko, ang gobyerno raw na walang itinatago ay hindi dapat matakot sa may nalalaman at naliwanagang mga mamamayan (“a government which has nothing to hide should not be afraid of an informed and enlightened citizenry”). Sa kasamaang palad, hindi pumasa ang panukalang batas na ito noong nagsara ang 13th Congress.
Maraming maaanomalya o kwestyunableng transaksyon ng gobyerno ang nangyayari dahil hindi transparent ang mga negosasyon o prosesong pinagdadaanan sa pag-apruba sa mga ito. Ilang halimbawa ang ZTE-National Broadband Network deal, ang North Rail project, at ang isang umiinit ngayon na diumano'y Joint Marine Seismic Undertaking sa Spratly Islands.
Hindi naging bukas sa publiko ang mga negosasyon o prosesong pinagdaanan sa pagsasara sa mga proyektong nabanggit. Kaya nagugulat na lang tayo sa malalaman nating malaking halagang sangkot rito na taumbayan rin ang magbabayad. Kadalasan ding ang mga proyektong inililingid sa kaalaman ng publiko ay iyong malaking bilang ng mamamayan ang magiging apektado tulad nang pagpapaalis sa kanila, nanganganib ang seguridad, o di kaya’y tataas ang magiging singil sa publiko upang bayaran ang kontrata para sa proyekto.
Tulad ng mga nabanggit na mga proyekto, ang planong gawing Central Business District ang North Triangle, East Triangle, Veterans Memorial Medical Center, at Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Quezon City ay hindi rin kinakikitaan ngayon ng transparency. Reklamo ng ilang mga komunidad na apektado doon tulad ng San Roque Community Council – North Triangle Alliance na hindi na nga sila isinama sa pagpaplano, itinatago pa sa kanila ang kung anumang inabot nang plano para sa CBD. Samantala, patuloy naman ang banta ng demolisyon sa kanilang mga nakatira sa lugar na masasakop ng proyektong Quezon City-CBD. Bukod sa mga residente, ang mga empleyado ng Veterans Memorial Medical Center ay nakatanggap noong ikalawang linggo ng Marso ng isang 90-day notice na kailangan na nilang lisanin ang lugar. Ang masama, walang malinaw na compensation package sa kanila at pinapaalis na sila.
Kahit ilang mga miyembro ng Claret Urban Poor Apostolate ay nagsasabing mahahagip rin daw ng planong QC-CBD ang ilang mga naninirahan sa CP Garcia street sa UP Diliman at maging ilang bahagi ng Philcoa. Hanggang haka-haka at espekulasyon na lang sa ngayon ang nagagawa ng mga residente sa nabanggit na mga lugar na masasakop ng QC-CBD dahil hindi nila batid ang buong plano rito. Maging pala ang ilang Konsehal ng Lungsod ng Quezon at Kagawad sa Barangay ng San Roque ay hindi rin nakita ang plano sa CBD. Kaya bukod pa sa mapanatili sila sa lugar, ang iginigiit ngayon ng mga apektadong mamamayan ay magkaroon sila ng akses sa impormasyon tulad ng planong CBD ganun din ang pag-aaral na ginawa ng World Bank ukol dito. Dapat rin daw magsagawa ng konsultasyon sa mga apektadong residente at empleyado ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ganundin ang Ultra Triangle Development Commission (Tri-Dev Commission) na siyang nagbubuo at magpapatupad ng masterplan para sa QC-CBD.
Ang mga planong pang-kaunlaran ay laging sinasabing para sa taumbayan. Ang mga nakatira sa mga lugar na sinasabing papaunlarin ay mga tao rin, mga mamamayang makakatuwang rin dapat sa kaunlaran. Dahil realidad na sa bansa na malaking porsyento ng populasyon ay mga naghihirap na pamilya laluna sa Kamaynilaan, kaya sa halip na paalisin sila sa kanilang mga kinatitirikan at dalhin sa malalayong lugar na walang tiyak na serbisyo at mapagkakakitaan, dapat na kasama sila sa isinasagawang pagpapaunlad sa lugar. Dapat tingnan rin paano sila uunlad at maging aktibong kabahagi sa kaunlaran.

Sunday, March 23, 2008
Pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco, hindi transparent
Ngayong Marso ay tataas na naman ng halos 20-sentimo kada kilowatthour ang singil sa kuryente. Nangangahulugan ito ng halos P50 hanggang P70 na dagdag sa bayarin sa kuryente para sa mga kumukunsumo ng 250 hanggang 300 kilowatthour sa isang buwan.
Hindi transparent at dahil dito’y kwestyonable ang pagtaas ng Meralco sa singil nito sa kuryente.
Una, nagiging halos piping tagatanggap na lamang tayo ng anunsyo ng mga pagtaas sa singil sa kuryente, partikular sa singil para sa generation. Ito’y dahil awtomatikong ina-adjust ang singil dito kada buwan bunsod ng sinusunod na mekanismong automatic generation rate adjustment (AGRA). Wala nang public hearing o kaya’y konsultasyon pang nagaganap dahil sa sistemang ito. Kaya, madalas sira ang ating mga budget kasi kahit anong tipid o kaya’y kahit katulad pa rin nang nakaraang buwan ang kunsumo sa kuryente, tataas pa rin ang magiging bayarin dito kung ang singil sa generation charge ay tumaas. Tandaang dahil sa VAT sa kuryente, hindi lang ang generation charge sa ating electric bill ang nagbabago. May dagdag pa, dahil may VAT na ipinapataw sa generation charge. Dapat baguhin na ang sistemang ito. Ang anumang pagbabago sa singil sa kuryente ay dapat na idinadaan sa konsultasyon sa mga kumukunsumo nito.
Pangalawa, hindi kapani-paniwalang hindi nakikinabang ang Meralco na kontrolado ng Lopezes sa mga pagtaas sa singil na ito sa generation charge. Maaaring ang Meralco mismo ay hindi nga nakikinabang. Pero ang mga Lopezes na siya na marahil ngayon ang majority owner sa kumpanyang ito ay tiyak na kumikita rito dahil sa kanilang generation companies rin nanggagaling ang malaking porsyento ng binibiling kuryente ng Meralco. Dapat ipagbawal na sa batas ang pagkakaroon ng cross-ownership o pagkakaroon ng pag-aari sa higit sa isang sektor sa industriya ng kuryente upang maiwasan ang kolusyon o manipulasyon sa presyo. Ibig sabihin, kapag nasa distribusyon na ng kuryente, hindi na dapat nagmamay-ari ang isang investor, kumpanya, o indibidwal sa generation company, sa supply, ganun din siyempre sa transmission company. Dapat sa isang sektor lang ng industriya siya ng kuryente magnenegosyo. Kung walang interes ang Meralco sa generation company na pinagkukunan nito ng kuryente, mas Malaya dapat itong nakakapamili ng mapapagkukunan ng kuryente sa mababang halaga.
Pangatlo, sinasabing ang pagtaas ng singil ng WESM – mula P3.40/kwh naging halos P6/kwh – ang sanhi daw ng pagtaas ng singil ng Meralco sa generation charge. Kung 10 porsyento lang ang kinukuha ng Meralco sa WESM, bakit nagawa pa ring ma- impluwensyahan ng presyo ng WESM ang pagtaas sa kabuuang generation charge na sinisingil ng Meralco? Kaugnay ng usapin sa cross-ownership, kung sana’y sinserong namimili sana ng mapagkukunan sa mas mababang halaga ng kuryente ang Meralco, kahit na tumaas ang singil sa WESM, hindi ito gaanong mararamdaman sa pinal na singil ng Meralco. Bukod dito, dapat yatang itigil na muna marahil ang operasyon ng WESM hangga’t hindi nareresolba ang isyu ng price manipulation noong 2006. Halos doble rin ng presyo ng sinundang buwan ang itinaas ng presyo ng kuryente sa WESM ng sumunod na buwan noong panahon iyon. Paano nakasisiguro ang mga mamamayan na wala na ngang nangyayaring price manipulation ngayon?
Transparency ang kailangan natin sa mga transaksyong apektado ang publiko. Gaya ng ZTE-NBN deal na taxpayers ang magdudusa kung matutuloy ang proyektong ito, ang mga pagbabago sa singil sa kuryente ay nangangailangan din ng transparency sa pag-aapruba dito dahil publiko rin ang magbabayad nito.

Sunday, March 9, 2008
Masasagasaan ng planong QC – Central Business District
Humigit-kumulang 16,000 pamilya sa North at East Triangle at mga empleyado ng Veterans Memorial Medical Center at Ninoy Aquino Parks and Wildlife ang matatamaan sa plano ng gobyernong gawing Central Business District ng Quezon City (QC-CBD) ang mga nabanggit na lugar. Alinsunod ang planong ito sa Executive Order 106 na inilabas ni Pangulong Gloria Arroyo noong 2002 na nasundan pa ng Executive Orders 620 at 620-A noong 2007. Sa mga Executive Order rin na ito nakapaloob ang pagbubuo ng Committee na binubuo ng local at nasyunal na ahensya ng pamahalaan na siyang magbubuo at magpapatupad sa planong QC-CBD.
Bagama't ipinapahayag nitong mga EO na isang community-driven development framework sa tulong ng pag-aaral ng World Bank ang siyang susundin sa pagbubuo ng plano sa QC-CBD, kataka-takang nawawalan ng partisipasyon ang mamamayan sa prosesong ito. Sa unang EO, bahagi pa ang mga organisasyon ng mamamayan o mga residente sa North Triangle Development Committee . Pero tinanggal na sila sa Komiteng ito na pinangalanang Urban Triangle Development Commission (Tri-Dev Commission) sa EO 620 na ipinalabas noong 2007.
Mukha ring dalawang malalaking interes ang nandito sa planong QC-CBD na makikita sa pagbabagu-bago ng komposisyon ng Tri-Dev Commission. Sa huling EO, ang kinatawan mula sa tanggapan ng Mayor ng Quezon City ang magiging Chairperson ng nasabing Komisyon at mga kinatawan naman mula sa National Housing Authority at tanggapan ng Upisina ng Pangulo ang mga miyembro. Binago ito ng EO 620-A kung saan ipinasok ang Chair ng Housing and Urban Development Coordinating Council bilang Chairperson ng Tri-Dev Commission at ang kinatawan mula sa tanggapan ng Mayor ng Quezon City ang Co-Chair.
Umaabot sa 250 hektaryang lupa ang nasasakop sa planong QC-CBD. Gagawin sa mga nabanggit na lugar ang mixed use development kung saan papalakasin ang komersyo o ekonomikong gawain ng gobyerno, habang may pagsaalang-alang pa rin sa kalikasan ganun din sa mga nakatira o informal settlers sa lugar. Sa ginawang pag-aaral diumano ng World Bank, may tatlong rekomendasyon upang sagutin ang usapin sa paninirahan at posibleng dislokasyon ng mga naninirahang maralita sa mga lugar na mahahagip ng planong QC-CBD. Isa na rito ang mapanatili halos lahat sa lugar sa pamamagitan ng pagtatayo ng medium rise building (MRBs) at magkakaroon ng sharing sa paggamit ng lupa doon. Kailangang gumastos ng P8.4 bilyon para sa halaga ng lupang masasakop sa rekomendasyong ito. Ang isa pang rekomendasyon ay relokasyon sa loob pa rin ng siyudad at pagde-develop rin sa lugar na ito. At ang panghuling rekomendasyon ay relokasyon sa karatig na mga siyudad at bibigyan na lang ng maayos na kompensasyon ang mga taong maaapektuhan nito.
Tinututulan ng mga residente doon ang matanggal o maalis sila sa kanilang kinalalagyan ngayon dahil nandoon na rin ang kanilang kabuhayan at nakabuo na ng komunidad sa mga lugar na ito. Ang relokasyon ay hindi lamang mangangahulugan ng pisikal na dislokasyon sa tirahan. Higit sa lahat ito ay may hatid na emosyonal at sikolohikal na epekto laluna sa mga apektadong kabataan.
Kaya, dahil sa nahaharap sa ebiksyon o demolisyon, ang mga residente ng North Triangle – ang lugar lang sana na balak ipasok sa QC-CBD plan sa ilalim ng EO 106 – nagsama-sama ang mga mamamayan doon sa ilalim ng San Roque Community Council-North Triangle Alliance. Isang aktibong organisasyon sa loob ng alyansang ito ang Kasama Pilipinas. Dumadami, lumalapad na rin ang suporta sa nasabing alyansa dahil sa pakikipagtulungan ng ibang grupong nagsusulong sa simulaing dapat may makataong paninirahan at pamumuhay ang mga maralitang lungsod. Ilan na sa mga ito ang National Urban Poor Coalition at ang Institute for Popular Democracy na tulad ng North Triangle Alliance ay naniniwalang dapat na mixed use ng lupa at on-site development ang gawin hindi lang para sa pagpapabuti ng ekonomiya ng siyudad maging ang pag-aayos sa pamumuhay ng mga mahihirap na nakatira sa lugar.
Magsasagawa ang mga nabanggit na grupo ng isang konsultasyon sa mga lider sa Marso 11 kung saan pag-uusapan muli ang isyu at inaasahan diumanong pagkaisahang muli ang mga posisyon at makapagbuo ng mga hakbang upang isulong ito.
Muli na namang makikita rito ang sama-samang pagkilos ng mga mamamayan hindi lang ng mga naninirahan sa mga lugar na hagip ng planong QC-CBD kundi maging ng iba pang grupong naniniwala at naninindigan upang igiit ang karapatan ng mamamayan. Sa usaping ito, karapatang magkabahay at magkaroon ng maayos na pamumuhay.

Ang Unang Hakbang
Sa sitwasyong laganap ang korupsyon, ang taumbayan ang nahihirapan. Dahil kasi sa korupsyon ang utang ng bansa ay lumalaki pero ang proyektong paglalaanan nitong utang ay hindi garantisadong mapapakinabangan. Ang hirap pa nga, dahil sa korupsyon ang proyektong dapat sana’y $160 milyon lang ay dumoble ang presyo at nagging $329 milyon tulad ng ZTE-NBN deal. Ito’y dahil sa mapupuntang komisyon sa mga nag-broker ng deal ganundin sa pumirma nito ayon kay Engr. Dante Madriaga, isang testigong pinatawag ng Senado upang magbahagi ng nalalaman niya tungkol sa ZTE-NBN deal.
Kung susumahin, ang umano’y komisyong umaabot ng mahigit P6 bilyong piso ay napunta lamang diumano sa iilang mga tao samantalang ang daming mahihirap ang walang tahanan at nangangailangan ng atensyong medikal. Subalit dahil sa kakapusan sa pera, marami ang naninirahan sa mga bahay na gawa sa karton o di kaya’y sa ilalim na lang ng puno. Kapag bumisita ka naman sa mga pampublikong ospital, may ilan diyang makikita kang dalawa hanggang tatlong nanay ang pinagkakasya ang mga sarili sa iisang higaan.
Hindi kataka-taka kung mag-alsa man ang mamamayan sa ganitong sitwasyon. Nangyari na ito noong panahon ni dating Pangulong Erap na sinasabing kumita ng malaki sa jueteng. Mas malala ang kaso nitong ZTE-NBN deal kung ikukumpara sa jueteng scandal na nagpabagsak kay Erap. Ang perang ipambabayad kasi sa ZTE-NBN deal ay manggagaling sa kabang bayan. Samantalang ang pera sa jueteng ay hindi direktang nanggagaling sa kabang bayan.
Ang ganitong kalagayan ay hindi lang nagbunga ng isang madilim na bahagi sa ating lipunan. Ito’y nagbigay rin ng liwanag sa atin dahil muling lumitaw ang pagmamahal sa bayan ng mga Pilipino. Alam nating karamihan, kung hindi man lahat, ng Pilipino ay may pagmamahal sa bayan. Subalit marami ang wala ng meron si Jun Lozada. Ito ay ang tapang at kahandaang humakbang sa panig ng katotohanan sa kabila ng mga maaaring masamang mangyari sa kanya at sa pamilya niya.
Ipinakita ng mga pangyayari nitong mga nagdaang araw na kinakailangan lamang may ilang mga taong maunang humakbang at marami ang susunod. Humuhugot ng lakas ang mamamayan sa mga taong may tapang. Kaya, sa kabila ng pagtatangkang pagharang ng gobyerno sa mga magsisipunta sa kilos-protesta sa Makati noong Pebrero 29, nakagawa pa rin ng paraang makalusot ng mamamayan at makarating sa kanilang patutunguhan.
Hangga’t may mga matatapang na handang magsalita at kumilos para sa katotohanan at interes ng bayan, patuloy ang magiging pagkilos ng iba pa. Posibleng lalo pang dumami ang kanilang bilang hangga’t walang resolusyon sa isyung ito at patuloy na nakikita at nararamdaman ang kawalang hustisya sa bayan.

Sunday, March 2, 2008
Ang unang hakbang

Kabataan para sa tunay na pagbabago
Kailanman hindi nawala ang kabataan sa mga nangyayari sa ating bansa. Subalit ngayong mga araw ay kitang-kita ang kanilang muling pagiging mas aktibo at higit na marami kaysa mga nakaraang taon. Huling tanda ko na dumagsa ang kabataan sa kalye at lansangan sa usaping pulitika sa bansa ay noon pang panahong mainit na usapin ang US Military Bases.
May mga kabataan pa ring nanatiling mapagmatyag at kumilos sa mga maiinit na panglipunang usapin. Pero nitong mga nakaraang taon, hindi maipagkakailang kapansin-pansin ang naging pagbabago ng porma ng mga pagkilos o ekspresyon ng posisyon o sentimyento ng kabataan sa mga pangyayari sa lipunan. Tinawag pa ngang generation “x” ang mga kabataan noong mga unang bahagi ng 199os na nangangahulugang mas biswal ang ekspresyon ng opinion o posisyon, nasa computer at telebisyon ang atensyon. Bandang huling bahagi ng 90s hanggang unang bahagi nitong dekada 2000, tinawag ang kabataan na generation “y”o mga “tekkis” o hi-tech – andyan na ang mga cellphones, i-pod, at iba’t ibang makabagong gadget.
Hi-tech na rin ang ekspresyon ng protesta sa mga nangyayari sa bansa o mga katiwalian sa gobyerno. Nandyan na ang mga e-mail, websites, friendster, at you-tube na siyang nagiging popular na popular ngayon hindi lang sa kabataan kundi sa lahat.
Nitong nakaraang mga linggo, simula nang lumabas ang tinaguriang “star witness” sa kontrobersyal na ZTE-NBN deal, unti-unting umalab ang mga kabataan. Itong linggo lamang, kitang kita ang halos penomenal na paglabas ng mga kabataan sa lansangan na matagal nang hindi nasaksihan sa kanila. Pinapatunayan lamang nito na hindi naman namatay ang aktibismo sa kabataan. Patuloy itong nagmamatyag at sa sandaling kinakailangan ang kanilang paglabas sa kanilang mga klase, paaralan o sa lansangan ay makikita natin ang kanilang pagbuhos at maiingay na sigaw hindi lang para sa “katotohanan” kundi para sa “tunay na pagbabago!”
Nakakatindig balahibo ang ipinakitang suporta ng mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines nang bumisita doon si Jun Lozada nang nakaraang araw. Dagsa at halos madumog ng mga estudyante si Lozada hindi lang dahil sa naniniwala sila dito kundi isang pagpapakita ito ng kagustuhan nila ng pagbabago sa gobyerno at magkaroon ng hustisya sa mga nangyaring korupsyon.
Sa isang banda, malaking epekto sa kabataan ng mga nangyayaring korupsyon dahil malaking pera ang nawawala sa kabang bayan na dapat sana ay magamit sa mas maayos na kinabukasan ng kabataan. Taun-taon na lang ang hangad ng mga estudyante't kabataan ay dagdag na badyet sa edukasyon ganoon din sa kalusugan.
“Panahon nang matigil ang katiwalian. Panahon nang sistema'y magbago.” Ito ang sigaw hindi lang ng mga matatandang progresibo, kundi maging ng mga kabataan rin.
Sana’y matapos itong kinakaharap na krisis pampulitika, patuloy ang aktibismo sa kabataan. Patuloy ang kanilang pakikialam at paggiit para sa isang maayos at may hustisyang kinabukasan nila.

Tuesday, February 26, 2008
PEBRERO 25: Pagbabago muling isinigaw!
Dalawampu't dalawang taon makalipas ang makasaysayang EDSA Revolution o ang tinatawag na People Power I ay muling pinuntahan na naman ng mga progresibong grupo ang EDSA shrine na naging simbolo ng pagbabago noong 1986. Ang EDSA Shrine ay hindi na lamang pinupuntahan upang gunitain ang makasaysayang pagpapatalsik ng taumbayan sa diktador na si Marcos. Ang EDSA shrine ay naging simbolikong lugar na pinupuntahan ng mga tao na ang hangad ay pagbabago at ayaw na sa umiiral na sistema ng gobyerno.
Taong 2001, nagkaroon ng EDSA II o People Power II sa EDSA kung saan ay muli na namang nagwagi ang taumbayan sa pagpapalit ng gobyerno sa isang mapayapang paraan. Ilang araw lamang makalipas nito ay nagkaroon na naman ng pag-aalsa ng masa, subalit hindi ito kasing laki ng mga naunang EDSA uprising. Eto naman ay tinawag na EDSA III. Ang malaking pinagkaiba nito sa mga naunang dalawang EDSA uprising ay talagang pinangunahan itong EDSA III ng masa -- yung tinawag nga ng iilan na mababaho, marurumi, at gusgusing mamamayan ng lipunan na siyang hindi nakatikim ng pagbabagong isinigaw makailang ulit sa EDSA.
Noong 2006 -- dalawang dekada na makalipas ang pagpapatalsik kay Marcos -- habang matindi ang panawagan sa pagpapaalis sa Presidente dahil sa malakas na alegasyong nandaya ito sa eleksyon noong 2004, muling dadagsain sana ng mamamayan ang EDSA Shrine. Subalit dahil na rin sa tindi ng init noon at malaking takot ng Pangulo na maulit ang nangyari kay Marcos at Estrada, pinigilan nya na ang makapunta pa ang mamamayan sa EDSA Shrine sa pamamagitan ng paglalabas ng Executive Order 1017 na animo'y tulad ng PD 1081 ni Marcos noon na sumagka sa karapatan ng mga tao na magkaroon ng mapayapang asembliya sa mga pampublikong lugar.
Hindi pa rin ganap na nakalapit ang mamamayan sa EDSA Shrine noong Pebrero 2007 upang gunitain ang simbolikong pagkamit nila ng kalayaan mula sa diktador, korupt, at mapanupil na mga nakalipas na administrasyon. Taliwas sa simbolong kapayapaan ng EDSA shrine, makikita na lang tuwing People Power Anniversary ang mga pulis na nakapalibot sa Shrine upang pigilan ang taumbayan na magkaroon ng asembliya roon.
Ngayong taon, sa kabila ng pagbabantay ng mga pulis sa Crame pa lang, nagawang makarating ng grupong Laban ng Masa sa EDSA Shrine. Halos isang libong miyembro nito ay nandoon sa paligid ng Shrine upang muling isigaw ang hangad na tunay na pagbabago. Ngunit tulad pa rin ng mga nakalipas na mga taon, bantay-sarado ng mga pulis ang EDSA Shrine. Pati mga taong hindi organisado at naging gawi na magsimba sa Shrine ay natatanggalan tuloy nito ng karapatang magsimba.
Naging matingkad tuloy lalo ngayon na hindi lang civil at political rights ang nalalabag ng gobyerno kundi maging ang religious right ng mamamayan na makapagsimba ay nalalabag na rin. Ang Shrine naman ay talagang simbahan, huwag naman sanang sagkaan pati ang karapatan ng mamamayan na magsimba.
Sa ganitong sitwasyon na halos talagang ginigipit na ang mamamayan dahil sa pagsikil sa kanilang mga karapatan, lalo lamang mag-uumalpas ito tulad ng lagi nang kinakanta na "ibon man may layang lumipad. kulungin mo at umiiyak. Bayan pa kayang sakdal-dilag, ang di magnasang makaalpas? Pilipinas kong minumutya. Pugad ng luha at dalita. Aking adhika, makita kang sakdal laya..."Sana nga magkaroon na ng tunay na pagbabago, ng hustisya, kalayaan at kapayapaan ... at sa isang mapayapang paraan muli nating makamit ito.

Lucena City, 1st Biofuels City na!
Sa kabila ng malakas na pag-ambon noong Pebrero 21, excited ang mga taga-Lucena City sa pangunguna ni Mayor Ramon Talaga Jr. Iyon kasi ang araw na pormal nang inanunsyo sa publiko ang pagiging kauna-unahang Biofuels City ng Lungsod ng Lucena.
Target ng siyudad na magkaroon ng 20 porsyentong halo ng biofuels ang mga fuel na ginagamit o ibinebenta doon. Magiging sentro rin daw ang siyudad ng testing at processing ng biofuels sa bansa, sa partikular ay biodiesel mula sa niyog o kopra. Kaugnay ng pagiging Biofuels City ng Lucena, ang extension office ng National Biofuels Board (NBB) ay pinasinayaan din ng araw na iyon.
Pinirmahan ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng gobyerno ng Lucena at iba't ibang mga ahensya ng National Government na miyembro ng NBB tulad ng Department of Energy, Department of Agriculture, Philippine Coconut Authority.
Gagawing sentro ng biodiesel ang Lucena City bilang lugar sa Pilipinas na may malaking produksyon ng niyog. Wika nga ng mga tagapagsalita mula sa Lucena, sa pagiging Biofuels City ng siyudad, ang animo'y nagtatakipsilim nang industriya ng niyog sa lalawigan ay magbubukang liwayway na raw. Sa katunayan, napakalaki na ng itinaas ng presyo ng niyog ngayong mga araw, P34 na bawat isa ito. Samantalang noong 2004 ay nasa P7 hanggang P8 lamang ito. Itinuturing na dulot ng pagdevelop ng biofuels industry sa lalawigan at iba pang mga lugar ang pagtaas ng bili sa niyog. Ito ay hindi maipagkakailang malaking tulong sa mga magsasaka.
Hindi lang mga magsasaka ang nandoon sa okasyong iyon. Maging ang mga nasa transport sector – pampubliko man o pribado – ay nandoon din. Ayon sa consultants sa vehicle testing and emission, may mga pag-aaral na diumano sa ibang bansang gumagamit ng biodiesel tulad ng France na hindi lang malaking tipid sa presyo ng diesel ang buting naidulot ng biodiesel sa mga motorista, mas naging malayo rin ang kayang takbuhin ng mga sasakyan kung ikukumpara sa sasakyang gumagamit ng regular na diesel.
Samantala, maging mga negosyante sa Lucena at Quezon ay tulong-tulong din sa pag-abot sa hangaring maging tunay na biofuels City ang Lucena. Ayon sa tagapagsalita ng Lucena-Quezon Chamber of Commerce, kampanya nila ang 25-25-25 – nangangahulugan ito ng 25 milyong puno ng niyog na itatanim sa 25,000 hektaryang lupain sa loob ng 25 taon.
Napakaganda nga kung magkakatotoo ito. Bukod sa magiging mas malinis ang hangin sa lugar, mababawasan ang polusyon, napakalaking tulong hindi lang sa mga motorista kundi maging sa mga negosyo at sa buong mamamayan ang pagbaba sa gastusin sa fuel sa sasakyan.
Sana maging matagumpay ito at masundan na ng iba pang mga lugar lalung lalo na ng Metro Manila.

Notes sa Philippine Energy Summit (Last Part)
Marami pang iba’t ibang mga rekomendasyong lumabas sa unang tatlong araw ng Philippine Energy Summit. Ilan rito ay ang nagkakaisang suhestiyon na maisabatas na ang Renewable Energy Bill upang makatugon sa usaping seguridad sa supply ng enerhiya gayundin ang pagtugon sa lumalalang kondisyong global warming o climate change.
Ang isang katanungan na lang rin sa pagpromote ng renewable energy ay ang usaping pampinansya. Ito ang isang malaking concern tulad ng taga-Nueva Vizcaya na may ilang micro-hydropower projects sa kanilang lugar. Ang isang positibong idinulot ng summit ay napag-ugnay ang mga pagkukunan ng enerhiya at pagkukunan ng pinansya para sa proyektong ito.
Ang pinakaabangan pa rin ng karamihan laluna ng mga konsyumer ng langis at kuryente sa nangyaring summit ay ang malinaw at kongkretong hakbang na maaaring sumagot sa mataas na presyo ng kuryente, sa mas maigsing panahon kung maaari. Kaya nga isa sa mga workshops na dinagsa sa summit ay ang workshop tungkol sa pagpapababa sa kuryente. Karaniwang rekomendasyon ng mga ahensya ng gobyerno ang pabilisin ang pribatisasyon ng Napocor pati ang paglipat ng mga kontrata nito sa mga independent power producers (IPPs) sa independent administrator. Nariyan rin ang pabilisin ang pagpapatupad ng open access at retail competition. May isang rekomendasyon mula sa dating Undersecretary ng Department of Energy na tanggalin ang mga taxes sa generation, transmission, at distribution ng kuryente upang mapababa ang singil sa kuryente sa mga konsyumer.
Subalit, ang hindi nailalabas sa report sa summit ay mga rekomendasyong nanggaling sa mga konsyumer, consumer groups, people’s organizations, at iba pang civil society groups na lumahok sa workshop. Isang halimbawa ay ang rekomendasyon ng Freedom from Debt Coalition at alyansang Empower Consumers na kanselahin dapat ang mga madadayang kontrata sa mga IPPs dahil ito ang isang pangunahing dahilan kung bakit patuloy na mataas ang singil sa kuryente sa bansa. Dapat rin daw busisiin ang mga utang ng Napocor at itigil ang pagbabayad sa mga maanomalyang transaksyon o ilehitimong utang ng ahensya nang hindi nahihirapan sa pagbabayad ang mga konsyumer gayundin ang gobyerno.
Sa pinal na araw ng summit noong ika-5 ng Pebrero, si Ginang Gloria Arroyo na ang nagbigay ng resulta ng halos isang linggong pag-uusap. Ang kanyang mga inilahad ay resulta na ng deliberasyon o pagpopopresong naganap sa Asian Development Bank noong Pebrero 1 hanggang Pebrero 3 kung saan piling mga tao na lang ang nandoon. Kung sinu-sino ang mga ito ay hindi na nasabi sa summit.
Nakakalungkot sa ini-report na resulta ng summit na hindi tinanggap ng pamahalaan ang mga lumabas na rekomendasyon sa unang tatlong araw na pagtanggal o kahit man lang pagsuspindi sa value added tax sa langis ganundin sa kuryente.

Monday, February 11, 2008
Notes sa Philippine Energy Summit (Part 2)
Rekomendasyon rin ng Philippine Energy Summit ang pagkakaroon ng alternatibong langis at iba pang pagkukunan ng enerhiya na malinis at renewable tulad ng solar, wind, mini hydro, at iba pang bio-energy. Maging ang pagkakaroon ng nukleyar na planta ng kuryente ay lumabas ding isang opsyon. Itong mga rekomendasyon ay tumutugon din diumano sa problema sa climate change o global warming. Biofuels naman ang pino-promote sa alternatibong langis. Sa katunayan ay may batas na tungkol dito. Ilang halimbawa ng mga pagkukunan nito ay jatropha, tubo (sugarcane), mais, at malunggay.
Sa usapin ng malinis at renewable na enerhiya, malaking tanong kung bakit sa kabila ng matagal nang proposal na i-develop ang paggamit sa solar energy, wala pa ring gaanong suporta ang ibinubuhos para dito ng gobyerno natin. Bilang isang bansang nasa tropical region at matindi ang sikat ng araw, napakalaki ng potential ng solar energy. Mas magiging kapaki-pakinabang at cost-efficient ito laluna sa mga lugar na hindi konektado sa national grid ng kuryente. Sa halip, ang isang maingay na proposal ngayon ng gobyerno na pinalalabas na suportado ng mga siyentipiko ay ang paggamit ng nukleyar na enerhiya. Malaki lang raw ang gastos sa pagtatayo ng planta nito sa simula, pero lumalabas na higit na mas mura ang halaga ng kuryenteng nagmumula dito kalaunan. Mas malinis din daw itong klase ng enerhiya. Ginamit na halimbawa pa ang Japan kung saan mahigit singkwenta ang nuclear power plants doon pero hanggang ngayon ay hindi pa nangyayari ang disgrasya tulad ng sinapit sa Chernobyl sa Soviet Union noong 1986.
Sa paggamit na halimbawa sa Japan, dapat ding tingnan ang klase ng gobyerno kung ihahalintulad ang paggamit ng nuclear power plant doon sa pwedeng mangyari rin dito sa Pilipinas. Hindi tulad ng Japan, ang Pilipinas ay kilala sa korupsyon at hindi maayos na pamamahala. Sa korupsyon pa lang, maaaring ikapapahamak na natin ito dahil posibleng sub-standard ang mga materyales na gamitin at hindi maayos ang pagkakatayo ng nuclear plant.
Marami ang tutol sa pagtatayo ng nuclear power plants sa bansa dahil sa posibleng ikapapahamak ng buhay ito ng komunidad na malapit doon sakaling pumutok ito o magkaroon ng disgrasya tulad ng sinapit sa Chernobyl kung saan ang isang nuclear reactor ay pumutok at nagresulta sa iba pang mga pagsabog sa planta na naging sanhi ng malaking sunog sa lugar at naging sanhi ng pagkakaroon ng radioactive fallout ng mga sumabog na particles sa ere. Hindi lang sa lugar sa Soviet Union umabot ang mga maliliit na radioactive particles. Ang aksidenteng ito na ang tinaguriang pinakagrabeng nangyari sa isang nuclear power plant na nagresulta sa kamatayan ng maraming tao at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin ng mga nabubuhay ang hindi magandang epekto nito sa kalusugan tulad ng pagkakaroon ng cancer.
Sa usapin naman ng biofuels, ang posibleng epekto ng pagtatanim ng mga halaman para pagkunan ng fuel sa seguridad sa pagkain ang naging karaniwang subject ng presentasyon sa summit ukol sa alternative fuel. Ang usaping pagkain o fuel kasi ang karaniwang diskusyon sa usapin ng biofuels. Ang samahan ng mga magsasaka at maging ang isang negosyanteng nasa sugarcane industry na nagbigay ng presentasyon sa summit ay sumasang-ayon na sa pagtatanim ng para sa biofuels. Subalit ang samahan ng mga magsasaka ay may pasubali pa rin. Ayon sa kanila, dapat pag-aralan pa ring mabuti ang epekto ng pagtatanim para sa biofuels sa produksyon ng pagkain sa bansa.
Ang jatropha pala ay malakas sa tubig, bukod pa sa mataas daw ang level ng toxicity nito o yung nakakalason sa tanim na ito. Maganda rin namang magkaroon tayo ng alternatibong pagkukunan ng langis sa bansa, pero dapat ay hindi naman masasakripisyo ang ating pagkain at kaligtasan laluna ng mga nagtatanim nito. Ang malunggay ay isa marahil magandang mapag-aralan at ma-develop pa. Ang bunga pala nito kasi ang pagkukunan ng fuel. Ibig sabihin, pwede pang magamit ang masustansiya nitong mga dahon – maaaring pagkain o kaya ay fertilizer.

Monday, February 4, 2008
Notes sa Philippine Energy Summit (Part 1)
Pangunahing adyenda diumano ng Philippine Energy Summit ang isyu ng mataas na presyo ng langis ganun din ng kuryente. Sa mga tinalakay na usapin sa unang tatlong araw, halos nagkakaisa ang mga tagapagsalita na ang mga sumusunod ay mga isyung dapat tugunan: patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, kawalan ng seguridad sa supply ng langis at enerhiya sa bansa, mataas na presyo ng kuryente sa bansa, at ang hindi mahusay o inefficient na paggamit sa enerhiya. Sa ganitong asesment sa sitwasyon ng enerhiya umikot ang iba’t ibang mga proposal at rekomendasyon sa tatlong araw na talakayan at workshop.
Ang mga ito ay repleksyon rin ng direksyong gustong patunguhan ng Energy Summit batay sa website ng Department of Energy. Ayon dito, ang mataas na presyo raw ng langis ay makakasakit sa ekonomiya ng bansa at kay Juan dela Cruz sa maigsing panahon. Subalit, ito rin daw ay makakapagpabilis ng pagdevelop ng mga alternatibong langis at iba pang pagkukunan ng enerhiya, ganundin ng pagpapatupad ng mga “creative” na solusyon ng iba’t ibang mga sektor at ng mga tao.
Sa sitwasyong ipinakita sa summit, lubos na dependent o umaasa ang Pilipinas sa inaangkat na langis. Kaya, tuwing tataas ang presyo nito sa pambansang pamilihan ay nasasaktan tayo nang husto laluna ngayon na umaabot ang presyo nito sa $100 kada bariles. Ang rekomendasyon ng karamihan ng mga tagapagsalita sa summit ay magtipid sa paggamit ng enerhiya o langis, magkaroon ng alternatibong langis at pinagkukunan ng malinis at renewable na enerhiya, at magkaroon ng subsidyo laluna sa mga mahihirap na sektor na higit na maapektuhan ng mataas na presyo ng langis. Dapat din daw tumutugon ito sa climate change o global warming. May rekomendasyon ding suspindihin o di kaya ay tuluyan nang itigil ang implementasyon ng value added tax (VAT) sa langis laluna sa diesel, kerosene, at 11-kg na LPG. May proposal din na pabilisin ang pagpapatupad ng paggamit ng compressed natural gas (CNG) sa mga bus.
Sa pagtitipid ng enerhiya o langis, maaaring simulan daw ito sa paggamit ng compact fluorescent lamp (CFL) o yung mas kilala natin na mga energy saving lamps. Ang isang 5 watts na bumbilya ng CFL ay katumbas ng 25 watts na incandescent na bumbilyang madalas na gamit sa mga tahanan laluna sa mga mahihirap na lugar dahil ito ay mura. Medyo mas mahal ang CFL, pero mas malaki ang matitipid ng bawat pamilya sa konsumo nila sa kuryente. Ganun din ang gobyerno, makakatipid sa paggamit ng langis para sa produksyon ng kuryente. Maganda ang lumabas na proposal na bigyang subsidyo ng gobyerno itong pagpapalit ng incandescent ng CFL sa mga mahihirap na pamilya.
Ayon sa Senior Energy Specialist ng Asian Development Bank na nagsalita sa unang araw, ang 1,000,000 CFL ay katumbas ng isang bagong 50-megawatt na power station. Subalit $1.5 milyon lamang ang gagastusin sa CFL samantalang $50 milyon ang gagastusin sa planta ng kuryente. Ito ay dahil ang isang milyong CFL na may lakas o liwanag na 13-watts ay may kabuuang lakas na 13 milyong watts o 13 megawatts. Samantalang ang 1 milyong 60 watts na incandescent na bumbilya ay may kabuuang lakas na 60 milyong watts o 60 megawatts. Ang liwanag na naibibigay ng 60 watts incandescent ay pareho lang sa liwanag na naibibigay ng isang 13-watts na CFL na bumbilya. Halos 50 megawatts ang matitipid sa kuryente kung CFL ang gagamiting bumbilya.
Isang rekomendasyon pa sa pagtitipid sa enerhiya ay ang pagsasabatas ng Energy Conservation Act upang obligadong sundin ng mga tao ang iba’t ibang paraan sa pagtitipid ng enerhiya.

Subscribe to:
Posts (Atom)